DSWD, nagpadala na ng food packs to Batanes bilang paghahanda sa bagyong Egay

Sa tulong ng ilang government agencies, nagpadala na ng 300 family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Batanes. Ayon sa DSWD, ang padalang suplay na pagkain ay isinakay kahapon sa Philippine Air Force C295 aircraft. Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng Kagawaran sa paghahanda sa… Continue reading DSWD, nagpadala na ng food packs to Batanes bilang paghahanda sa bagyong Egay

Pag-alis sa state of public health emergency, ‘perfect timing’ ayon kay speaker Romualdez

Welcome para kay House Speaker Martin Romualdez ang desisyon ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na alisin na ang State of Public Health Emergency. Ayon sa House leader, napapanahon ang hakbang na ito dahil ito rin naman ang direksyon ng ibang mga bansa. Mayroon na rin naman aniya tayong sapat na impormasyon, suplay ng bakuna… Continue reading Pag-alis sa state of public health emergency, ‘perfect timing’ ayon kay speaker Romualdez

QC LGU, pinayuhan ang mga raliyista na huwag maging pasaway sa SONA sa Lunes

Pinaalalahanan ng Quezon City government ang mga raliyista na sumunod sa mga batas at regulasyon sa kanilang aktibidad sa Lunes. Ginawa ni Mayor Joy Belmonte ang apela matapos payagan ang parehong pro at anti-administration rallies sa ikalawang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon sa alkalde, lahat ng pro-administration groups ay magdadaos ng kanilang… Continue reading QC LGU, pinayuhan ang mga raliyista na huwag maging pasaway sa SONA sa Lunes

Paghahanda ng MMDA sa SONA sa Lunes, all set na

Kasado na ang lahat ng paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes. Sa ulat ng MMDA, Aabot sa 1,354 tauhan nito ang itatalaga sa iba’t ibang lugar para tumulong sa pagsasaayos ng trapiko, emergency response, crowd control, at traffic… Continue reading Paghahanda ng MMDA sa SONA sa Lunes, all set na

Security preparatons ng pulisya sa lungsod ng Cebu para sa SONA ng Pangulong Marcos Jr., nakahanda na

Nakahanda na ang security deployment ng Cebu City Police Office para sa darating na Lunes, Hulyo 24 kung saan isasagawa ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay CCPO Director Police Col. Ireneo Dalogdog, nakalatag na ang security preparations ng CCPO at handa nang e-deploy kung kinakailangan. Bagama’t… Continue reading Security preparatons ng pulisya sa lungsod ng Cebu para sa SONA ng Pangulong Marcos Jr., nakahanda na

Anumang planong pagpasok sa bansa ng ICC, nasa Pangulo na ang pagpapasiya -DOJ Usec. Vasquez

Nasa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pagpapasiya kung papayagang makapasok o hindi sa bansa ang International Criminal Court para magsagawa ng imbestigasyon. Ayon kay DOJ Undersecretary Raul Vasquez, dahil kumalas na ang Pilipinas sa ICC, lahat ng options ay nasa executive department na. Aniya, lahat ng pagpipilian ay available na. Una ay… Continue reading Anumang planong pagpasok sa bansa ng ICC, nasa Pangulo na ang pagpapasiya -DOJ Usec. Vasquez

DSWD, tiwalang nagampanan nito ang kanilang tungkulin sa unang taon ng Marcos administration

Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagawa nila ang kanilang tungkulin na tulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad at armadong labanan alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong 2022. Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, bilang bahagi ng kanilang… Continue reading DSWD, tiwalang nagampanan nito ang kanilang tungkulin sa unang taon ng Marcos administration

PBBM, ipinaalis na ang State of Public Health Emergency sa buong bansa na una nang idineklara dahil sa COVID-19

Lifted na ang State of Public Health Emergency sa buong bansa na una nang idineklara dahil sa COVID-19. Ito ay sa bisa na din ng inilabas na Proclamation No. 297 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Dahil dito, lahat ng nauna nang inisyung memoranda na may kaugnayan sa State of Public Health Emergency ay itinuturing… Continue reading PBBM, ipinaalis na ang State of Public Health Emergency sa buong bansa na una nang idineklara dahil sa COVID-19

Sunog sumiklab sa Mapun, Tawi-Tawi

Malaking sunog ang trahedyang nangyari kagabi sa bayan ng Mapun, Tawi-Tawi. Ayon sa LGU Mapun, alas-12:00 ng madaling araw nag umpisang sumiklab ang sunog at naapula ito ng alas-4:00 ng umaga. Nasa 10 residente at 20 tindahan ang nasunog, walang naireport na namatay o nasugatan sa naturang insidente. | ulat ni Laila Sharee Nami |… Continue reading Sunog sumiklab sa Mapun, Tawi-Tawi

Buhos ng investment pledges, pagpapakita ng kumpiyansa sa polisiya ng gobyerno

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na ang pagbuhos ng investment pledges sa unang quarter pa lamang ng 2023 ay nagpapakita ng kumpiyansa sa polisiyang inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Ipinapakita lamang din aniya nito na matagumpay na naikampanya ni PBBM sa kaniyang foreign trips ang Pilipinas bilang investment destination. “It is a… Continue reading Buhos ng investment pledges, pagpapakita ng kumpiyansa sa polisiya ng gobyerno