Konstruksyon ng Pambansang Pabahay sa Cordillera, lalarga na

Magsisimula na ang pagtatayo ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cordillera Administrative Region. Ito ay matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony para sa pormal na paglarga ng flagship housing program sa rehiyon. Sa ilalim nito, itatayo ang 6.4 ektarya ng isang township development sa Brgy. Poblacion, Tuba, Benguet. Pinangunahan… Continue reading Konstruksyon ng Pambansang Pabahay sa Cordillera, lalarga na

Dalawang Israeli at Amerikano sa likod ng crypto currency scam, arestado ng ACG

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Anti- Cybercrime Group (ACG) ang limang indibidwal, kabilang ang dalawang Israeli at isang Amerikano na sangkot umano sa crypto currency scam, sa operasyon sa Capitolyo, Pasig City kagabi. Kinilala ni ACG Spokesperson Capt. Michelle Sabino ang mga arestadong may-ari ng ni-raid na gusali na sina: Shay Semo a.k.a Shai… Continue reading Dalawang Israeli at Amerikano sa likod ng crypto currency scam, arestado ng ACG

Dating chief of police ng San Pedro, Laguna, natagpuang patay sa loob ng condo

Natagpuang patay ang dating Chief of Police ng San Pedro, Laguna sa loob ng kanyang tinutuluyang condo sa Biñan, Laguna ngayong umaga. Kinilala ng Biñan City Police Station ang biktima na si Police Lt. Col. Ben Isidore Aclan. Base sa inisyal na imbestigasyon, narinig umano ng personal security ng opisyal na si Police Cpl. Japer… Continue reading Dating chief of police ng San Pedro, Laguna, natagpuang patay sa loob ng condo

DOH, bumuo ng TWG para pag-aralan ang paglilipat ng Philhealth sa Office of the President

Sinimulan na ng Department of Health na pag-aralan ang mungkahi na ilipat sa ilalim ng Office of the President ang Philippine Health Insurance Corp o Philhealth. Sinabi ni Health Officer-in-Charge Usec .Maria Rosario Vergeire, may binuo na silang Technical Working Group upang manguna na sisilip sa naturang panukala. Aminado si Vergeire, maraming implikasyon ang naturang… Continue reading DOH, bumuo ng TWG para pag-aralan ang paglilipat ng Philhealth sa Office of the President

National Security Council, dapat umano isali sa pag-aaral sa kasunduan ng EDCA

Iminungkahi ni dating Senador Francisco Tatad kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-convene ang National Security Council upang muling mapag-aralan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA. Sinabi pa ng dating senador na hindi pa huli ang lahat para irekonsidera ng pangulo ang kaniyang posisyon dahil sa June 2024 pa mapapaso ang kasunduan sa… Continue reading National Security Council, dapat umano isali sa pag-aaral sa kasunduan ng EDCA

Fund raising concert, isasagawa ng Phil. Air Force para sa kanilang anibersaryo

Inaanyayahan ng Philippine Air Force ang publiko na dumalo sa isang Fund Raising Concert bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-76 na anibersaryo. Ang konsyerto na pinamagatang “AXEL PAF” ay isasagawa sa Hunyo 23 ng 8:30 ng gabi sa The Theatre at Solaire. Tampok dito ang mga tinaguriang “top guns” ng Original Pilipino Music na… Continue reading Fund raising concert, isasagawa ng Phil. Air Force para sa kanilang anibersaryo

Mahigit 800 sasakyan, na-impound sa isang linggong operasyon ng HPG

Lagpas sa 800 sasakyan ang na-impound ng PNP Highway Patrol Group (HPG) sa kanilang pinaigting na operasyon laban sa carnapping at paglabag sa batas trapiko. Ayon kay HPG Director Police BGen. Raul Bargamento, sa isang linggo mula Mayo 8 hanggang 14, umabot sa 841 na mga sasakyan ang kanilang na-impound kung saan 713 ang motorsiklo… Continue reading Mahigit 800 sasakyan, na-impound sa isang linggong operasyon ng HPG

Kamara, muling iginiit na handang bigyan ng seguridad, proteksyon si Rep. Teves oras na umuwi ito

Siniguro ni House Secretary General Reginald Velasco na proprotektahan ng Kamara si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sakaling umuwi ito ng bansa. Ito aniya ang kaniyang sinabi sa kapatid ng kongresista na si dating Gov. Pryde Teves nang tumawag ito kay Velasco. Ayon kay Velasco, tumawag sa kaniya ang dating gobernador upang sabihin na… Continue reading Kamara, muling iginiit na handang bigyan ng seguridad, proteksyon si Rep. Teves oras na umuwi ito

Green Maritime Economy, itataguyod ng DOTr tungo sa pagpapalago ng ekonomiya

Magpapatupad ang Department of Transportation ng mga hakbang sa pamamagitan ng green maritime economy at sustainable consumption upang tumulong sa ekonomiya ng bansa. Sa ginanap na Asia Pacific Economic Cooperation Maritime Cooperation Launch sa Detroit, Michigan, binigyang-diin ni Transportation Undersecretary Elmer Sarmiento na committed ang Pilipinas na isulong ang International Maritime Organization’s Strategy. Kabilang na… Continue reading Green Maritime Economy, itataguyod ng DOTr tungo sa pagpapalago ng ekonomiya

Labis na paniningil ng pamasahe ng motorcycle taxi, hindi kukunsintihin ng LTFRB

Iimbestigahan na ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board ang napaulat na labis na paniningil ng pamasahe, partikular sa mga pasahero ng mga motorcycle taxi. Makikipag-ugnayan na ang LTFRB sa Motorcycle Taxi – Technical Working Group para tutukan at imbestigahan ang isyu ng overcharging. Tiniyak ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, hindi nito kukunsintihin ang… Continue reading Labis na paniningil ng pamasahe ng motorcycle taxi, hindi kukunsintihin ng LTFRB