2 job fairs, inilunsad sa Marikina City ngayong Labor Day

Naglunsad ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina ng dalawang magkasabay na jobs fair sa lungsod ngayong Araw ng Paggawa. Isa sa mga venue ay ang Marikina City Hall Quadrangle kung saan iba’t ibang industriya ang nag-aalok ng trabaho. Kabilang dito ang mga hotel, automobile, business process outsourcing, supermarket, fast food chain, eskuwelahan at mga tanggapan… Continue reading 2 job fairs, inilunsad sa Marikina City ngayong Labor Day

LRMC, naglabas ng road closure sa ilang bahagi ng Roxas Blvd. at ilang kalsada

Naglabas ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ng road closure sa bahagi ng Roxas Boulevard at ilang kalsada sa Baclaran Church, para bigyang daan ang LRT line 1 Cavite Extension Project. Mag-uumpisa ang naturang road closure sa Sabado April 29 hangang kinabukasan April 30, mula 10PM hangang 5AM sa southbound lane ng Roxas… Continue reading LRMC, naglabas ng road closure sa ilang bahagi ng Roxas Blvd. at ilang kalsada

MERALCO at Aboitiz Power, lumagda ng Emergency Power Supply Agreement sa loob ng 1 taon

Kinumpirma sa Radyo Pilipinas ng Manila Electric Company (MERALCO) na nakakuha muli sila ng panibagong Emergency Power Supply Agreement (EPSA) sa kumpaniyang Aboitiz Power Corporation. Ayon kay Ann Claire Feliciano ng MERALCO Corporate Communications, layunin nitong mabawasan ang binibili nilang suplay ng kuryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM Dahil sa nilagdaang EPSA,… Continue reading MERALCO at Aboitiz Power, lumagda ng Emergency Power Supply Agreement sa loob ng 1 taon

LRT2, may libreng sakay sa Labor Day

Magkakaloob ng Libreng Sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) line 2 sa Lunes, Mayo 1, Araw ng Paggawa o Labor Day. Ito ay salig na rin sa kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Transportation (DOTr), upang bigyang pugay ang mga manggagawang Pilipino. Magsisimula ang Libreng Sakay mula 7AM… Continue reading LRT2, may libreng sakay sa Labor Day

DFA, muling pumalag sa panibagong insidente ng panggigitgit ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na may legal na karapatan ang Pilipinas sa pagsasagawa ng routine maritime patrols sa territorial waters at Exclusive Economic Zone ng bansa Ito ang inihayag ng DFA, kasunod ng panibagong insidente ng girian sa pagitan ng mga barko ng China Coast Guard gayundin ng Philippine Coast Guard nitong… Continue reading DFA, muling pumalag sa panibagong insidente ng panggigitgit ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal

Pagbuo ng mas malakas na koalisyon ng mga bansa vs. agresyon ng China, isinusulong ng ilang Senador

Inaasahan ni Senador Risa Hontiveros na agad na maghahain ang ating pamahalaan ng diplomatic protest kaugnay ng panibagong insidente sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi rin ni Hontiveros, na dapat ay kasabay nito ay magpahayag rin ang MalacaƱang ng pagkondena sa walang tigil na pananakot, pagpapahirap at pagbabanta ng Tsina sa ating bansa. Kailangan na… Continue reading Pagbuo ng mas malakas na koalisyon ng mga bansa vs. agresyon ng China, isinusulong ng ilang Senador

CAAP, paiimbestigahan ang nangyaring pag interrupt ng isang civilian plane sa Balikatan exercise kahapon

Nais paimbestigahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nangyaring insidente sa pagpasok ng isang private plane sa jurisdiction airspace ng Balikatan Exercise, sa Zambales nitong Miyerkules. Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, hinihintay na lamang ang impormasyon mula sa Balikatan Management Committee para sa violation ng naturang private plane. Dagdag pa ni… Continue reading CAAP, paiimbestigahan ang nangyaring pag interrupt ng isang civilian plane sa Balikatan exercise kahapon

Higit P18.1-M na halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Maynila

Timbog ang isang drug suspect sa buy-bust operation ng pulisya sa Sta. Cruz, Manila. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Melvin Florida, Hepe ng MPD-DDEU, ang suspect na si Yasser Hadji Noor. Nasabat sa operasyon ang 1.2 kilogram ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php8.160 milyon. Ayon kay Florida, ilang araw na nagsagawa ng surveillance ang… Continue reading Higit P18.1-M na halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Maynila

GSIS at USSC, nag-tie up para sa pagpapalawig ng payment options ng GSIS members

Upang mas mapalawig pa ang payment options ng mga miyembro at borrowers ng Government Service Insurance System (GSIS), nakipag-tie up ito sa Universal Storefront Services Corporation (USSC). Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, layon ng naturang tie up na mas maging convenient sa members at borrowers ang pagbabayad ng loans para hindi… Continue reading GSIS at USSC, nag-tie up para sa pagpapalawig ng payment options ng GSIS members

TESDA, lalahok sa Labor Day event ng Department of Labor and Employment sa May 1

Nakatakdang lumahok ang Technical Education Skills Development Authority (TESDA) sa gaganaping Labor Day celebration, para sa paghahatid ng TechVoc courses ng ahensya. Ayon kay TESDA Director General Danilo P. Cruz, layon ng naturang paglahok ng ahensya sa labor day na maipabatid na bukod sa mga trabahong alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay… Continue reading TESDA, lalahok sa Labor Day event ng Department of Labor and Employment sa May 1