Pagtataas ng climate change budget proposal ng SUCs para sa 2024, ipinanawagan ng pamahalaan

Umaapela ang Climate Change Commission (CCC) sa State Universities and Colleges (SUCs) na dagdagan at i-prioritize ang pagpopondo sa climate research and development projects ng kanilang mga paaralan. Ayon kay CCC Commissioner Albert Dela Cruz Sr., ang SUCs ay kabilang sa mga kabalikat ng kanilang tanggapan sa pagtugon sa climate change. Nagmumula kasi sa mga… Continue reading Pagtataas ng climate change budget proposal ng SUCs para sa 2024, ipinanawagan ng pamahalaan

Pagtatayo ng iba pang energy facility, welcome sa Pilipinas — Pangulong Marcos Jr.

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba pang mamumuhunan sa sektor ng enerhiya na magtayo pa ng ibang energy facility sa bansa. Sa inauguration ng Battery Energy Storage Systemsa Limay, Bataan, sinabi ng pangulo na ang mga ganitong proyekto, welcome sa bansa at inaaprubahan ng pamahalaan. Paliwanag ng pangulo, batid naman ng lahat… Continue reading Pagtatayo ng iba pang energy facility, welcome sa Pilipinas — Pangulong Marcos Jr.

Iba’t ibang tollway sa bansa, handa na sa dagsa ng mga motorista ngayong Holy Week Exodus

Libo-libong mga motorista ang inaasahang daraan sa iba’t ibang tollway sa bansa para sa Holy Week Exodus o ang pagbiyahe ng mga magbabakasyon gayundin ng mga magsisipag-uwian sa mga lalawigan para sa Semana Santa 2023. Dahil dito, tinatayang nasa 1,500 traffic at toll lane management personnel ang ipakakalat ng Metro Pacific Tollways road network sa… Continue reading Iba’t ibang tollway sa bansa, handa na sa dagsa ng mga motorista ngayong Holy Week Exodus

Ilang mga lansangan sa Metro Manila, sasailalim sa road repair at reblocking ngayong weekend — MMDA

Nagpalabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa isasagawang road repair at reblocking sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon sa MMDA, magsisimula ang road repair works ganap na alas-11 ng gabi ngayong Biyernes, Marso 31 na tatagal naman hanggang ala-5 ng umaga ng Lunes, Abril 3. Kabilang… Continue reading Ilang mga lansangan sa Metro Manila, sasailalim sa road repair at reblocking ngayong weekend — MMDA

US Ambassador to the Philippines at QC Mayor Joy Belmonte, lalo pang pinagtibay ang ugnayan ng Amerika at Lokal na Pamahalaan

Masayang bumisita si US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson sa Quezon City Hall para sa isang pagpupulong. Sinalubong siya ni Mayor Joy Belmonte at mga opisyal ng pamahalaang lungsod, kung saan binigyan ito ng honorary welcome. Kabilang sa mga tinalakay sa pagpupulong nina Carlson at Belmonte ay ang gagawing pagtulong ng Amerika sa… Continue reading US Ambassador to the Philippines at QC Mayor Joy Belmonte, lalo pang pinagtibay ang ugnayan ng Amerika at Lokal na Pamahalaan

Manhunt sa suspek sa pagpatay sa estudyante ng La Salle University sa Dasmariñas Cavite, ipinag-utos ni Gen. Azurin

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang pinaigting na manhunt operation para madakip sa lalong madaling panahon ang suspek sa pagpatay sa estudyante ng La Salle Unibersity sa Dasmariñas, Cavite na si Queen Leanne Daguinsin. Sa ambush interview sa Camp Crame, kinilala ni Gen. Azurin ang suspek na si… Continue reading Manhunt sa suspek sa pagpatay sa estudyante ng La Salle University sa Dasmariñas Cavite, ipinag-utos ni Gen. Azurin

Sen. Bato dela Rosa, tanggap nang di makakaabot sa plenaryo ng Senado ang panukalang cha-cha

Aminado si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na hindi makakaabot sa plenaryo ng Senado ang panukalang charter change (cha-cha), dahil sa kakulangan ng suporta mula sa mga kapwa senador. Ayon kay Dela Rosa, alam na nilang silang apat na senador lang na miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang nakasuporta sa panukalang… Continue reading Sen. Bato dela Rosa, tanggap nang di makakaabot sa plenaryo ng Senado ang panukalang cha-cha

Pangulong Marcos Jr., magri-retreat sa Semana Santa;Kahandaan ng mga tanggapan ng pamahalan sa Holy Week, siniguro

Plano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mag-retreat o magpahinga sa isang tahimik na lugar sa panahon ng Semana Santa. Ito ang sinabi ng pangulo sa isang ambush interview sa Mariveles, Bataan, ngayong araw. Aniya, gugugulin niya ang Easter Sunday kasama ang kaniyang pamilya tulad ng kaniyang ginagawa kada taon. Kaugnay pa rin sa… Continue reading Pangulong Marcos Jr., magri-retreat sa Semana Santa;Kahandaan ng mga tanggapan ng pamahalan sa Holy Week, siniguro

NBI may hurisdiksyon sa pakikipag-ugnayan sa interpol sa paghahanap kay Rep. Teves — DOJ

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) ang hurisdiksiyon o kapangyarihan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pakikipag-ugnayan sa International Police Organization (Interpol) sa pag-alerto sa mga bansang kinaroroonan ni Representative Arnulfo Teves Jr. Ipinaliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na kailangan lang naman na ipaalam ng NBI sa Interpol na may isang indibidwal… Continue reading NBI may hurisdiksyon sa pakikipag-ugnayan sa interpol sa paghahanap kay Rep. Teves — DOJ

Pagdagdag ng EDCA sites sa Pilipinas, ikinabahala ng isang geopolitical analyst

Naniniwala ang isang geopolitical analyst na maaaring makaapekto sa seguridad ng bansa ang pagdagdag ng EDCA sites sa Pilipinas. Matatandaang inanunsiyo mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may idaragdag na apat na lugar na sasakupin ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Sa pandesal forum, sinabi ni Prof.… Continue reading Pagdagdag ng EDCA sites sa Pilipinas, ikinabahala ng isang geopolitical analyst