Malabon LGU, nag-deploy ng response team, mga ambulansya ngayong Semana Santa

Handa na ang Malabon local government na umalalay sa mga biyahero at mga mananampalataya ngayong Semana Santa. Ayon sa LGU, nag-deploy na ito ng anim na ambulansya sa F. Sevilla Boulevard, San Agustin, Hulong Duhat Plaza, Francis Intersection, at Potrero Malabon Action Center upang mapabilis ang pagtugon sa mga emergency cases lalo na sa mga… Continue reading Malabon LGU, nag-deploy ng response team, mga ambulansya ngayong Semana Santa

NAIA Terminal 3, nananatiling maayos ngayong Martes Santo

Sa kabila ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nananatiling maayos ang sitwasyon sa mga paliparan. Sa NAIA Terminal 3 hindi naiipon ang mga pasahero kasunod ng ginagawang intervention ng Manila International Airport Authority (MIAA). Kabilang na dito ang pagtanggal ng X-RAY machine sa entrance ng Airport at pagkikipag-ugnayan sa… Continue reading NAIA Terminal 3, nananatiling maayos ngayong Martes Santo

Suspect sa pananakit, panunutok ng baril sa sariling mga kaanak, arestado sa QC

Arestado ang isang lalaki na nanakit sa kanyang asawa at anak sa Quezon City. Ayon kay Police Captain Jeff Tuyo, deputy station commander ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, sinuntok niya umano sa tiyan ang kanyang misis at nagkaroon ng alitan dahil sa nabasang text message mula sa cellphone ng biktima. Dahil sa… Continue reading Suspect sa pananakit, panunutok ng baril sa sariling mga kaanak, arestado sa QC

Manila Water, tiniyak ang 24/7 na suplay ng tubig ngayong Semana Santa

Siniguro ng Manila Water na mananatiling sapat ang suplay ng tubig para sa mga sinusuplayan nitong customer kahit ngayong mahal na araw. Sa isang pahayag, sinabi ng water concessionaire na nakatulong ang mga inilatag nitong contingency at augmentation projects para masigurong hindi magkakaproblema sa suplay ng tubig ang nasa 7.4 milyong customer nito sa Metro… Continue reading Manila Water, tiniyak ang 24/7 na suplay ng tubig ngayong Semana Santa

Ilang bumibyaheng bus sa Araneta City Bus Port, ininspeksyon ng LTO

Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) NCR-EAST sa mga bumibiyaheng bus dito sa Araneta City Bus Port. Bahagi ito ng Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023 na layong masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero. Pinangunahan ni LTO Director Benjamin Santiago III, ang inspeksyon sa naturang terminal… Continue reading Ilang bumibyaheng bus sa Araneta City Bus Port, ininspeksyon ng LTO

Paglalagay ng SRP sa asukal, pinag-aaralan ng DA

Ikinukonsidera ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa asukal. Ito ay sa gitna ng nananatiling mataas na presyuhan ng asukal sa merkado kahit na may mga imported na asukal nang ibinaba ang SRA. Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, nakikipag-ugnayan na sila sa Sugar Regulatory Administration (SRA) at inaalam… Continue reading Paglalagay ng SRP sa asukal, pinag-aaralan ng DA

Presyo ng gulay sa Mega Q-Mart, nananatiling mababa

Mababa pa rin ang bentahan ng gulay sa ilang pamilihan sa Metro Manila gaya na lang sa Mega Q-Mart sa Quezon City. Kabilang sa murang mabibili rito ang kamatis na tumpok-tumpok ang suplay sa palengke. Ibinebenta ito sa halagang ₱25 ang kada kilo. Mura na rin ang presyo ng lokal na sibuyas na nasa ₱90… Continue reading Presyo ng gulay sa Mega Q-Mart, nananatiling mababa

Pagkakaaresto sa isa sa mga mastermind, susi sa pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Degamo

Unti-unti nang nabubuo ang kuwento sa nangyaring pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walong iba pa. Ito ang inihayag ng binuong Special Task Force Degamo Chairperson at DILG Secretary Benhur Abalos Jr. kasunod ng pagkaka-aresto ng isa sa mga itinuturong mastermind sa kaso na si Marvin Miranda. Ayon kay Abalos, kung babalikan… Continue reading Pagkakaaresto sa isa sa mga mastermind, susi sa pagresolba sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Degamo

PITX, patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Martes Santo

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw ng Martes. Kabilang sa nga byahe dito ang papuntang Bicol, Oriental Mindoro, Davao, Bohol, Romblon, Iloilo, Samar, Baguio, at marami pang iba tulad ng Batangas, Laguna, at Quezon Province. Sa ngayon abala na ang ticketing booth lalo pa’t habang lumilipas ang… Continue reading PITX, patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Martes Santo

Pondo para sa EDCA sites, dadagdagan ng U.S.

Dadagdagan ng Estados Unidos ang $82-milyong dolyar na kanilang unang inilaan para sa limang orihinal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites. Ito ang Inihayag ng US Department of Defense (DOD) kasunod ng pag-anunsyo kahapon ng Malacañang ng mga lokasyon ng apat na panibagong EDCA sites. Ayon sa DOD, ang karagdagang pamumuhanan sa mga EDCA… Continue reading Pondo para sa EDCA sites, dadagdagan ng U.S.