Tatlong key projects, inilunsad ng DTI, kasabay ng inilunsad na Creative Industries Month 2023

Tatlong pangunahing proyekto ang inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI), na nakahanay sa Philippine Creative Industries Month 2023. Kabilang dito ang FiestaKutsa: Philippine Regional Creative Festival, Lunsod Lunsad: Call for Creative proposals at ang 2023 PCIM Celebration. Ayon kay DTI Usec Rafaelita Aldaba,kasabay ng inilunsad na creative industries month, may nakahanay na ring… Continue reading Tatlong key projects, inilunsad ng DTI, kasabay ng inilunsad na Creative Industries Month 2023

Pagpapatupad ng price cap sa bigas, kailangan sabayan ng monitoring ng suplay ng bigas sa buong bansa

Dapat sabayan ng pagtiyak na mayroong sapat na suplay ng bigas sa lahat ng rehiyon ang ipinapatupad ngayong price ceiling sa bigas. Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, bagamat makatutulong ang pagpapataw ng price cap para mapigilan ang hoarding ay maaari rin itong magkaroon ng negatibong epekto gaya ng shortage o kakulangan… Continue reading Pagpapatupad ng price cap sa bigas, kailangan sabayan ng monitoring ng suplay ng bigas sa buong bansa

BARMM opens its door for a wider tourism campaign

The Bangsamoro through Ministry of Trade, Investment and Tourism joins the 34th Philippine Travel Mart at Pasay City this year with hashtag branding #ChooseBangsamoro that aims to boost its campaign on tourism in the area. An eye-catching uniquely BARMM Pavilion, created by Architect Gerald Lico, welcomed its visitors featuring the Sultan Hassanal Bolkiah Masjid or… Continue reading BARMM opens its door for a wider tourism campaign

Pamilya na namatayan ng tatlo sa sunog sa Quezon City, binigyan ng tulong pinansiyal ng DSWD

Pinagkalooban na ng tulong pinansiyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamilya na namatayan ng tatlong miyembro sa sunog na sumiklab sa isang garments shop sa Tandang Sora, Quezon City. Nagtungo sa tanggapan ng DSWD Central Office sa Quezon City ang pamilya na sinamahan ni Rizal Mindoro Occidental Mayor Sonny Pablo para… Continue reading Pamilya na namatayan ng tatlo sa sunog sa Quezon City, binigyan ng tulong pinansiyal ng DSWD

Pinsala sa sektor ng agrikultura, higit P9-M – DA

Mula sa higit kalahating milyong piso, umangat pa sa Php 898.4 Million ang halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng bagyong #GoringPH at Habagat. Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture (DA), pinakahuling naitalang pinsala ay mula sa Cagayan Valley at Western Visayas. Abot na sa 39,011 metric tons ang production loss mula sa… Continue reading Pinsala sa sektor ng agrikultura, higit P9-M – DA

Sinucalan River sa lalawigan ng Pangasinan, nasa Near Critical Level na; Mga BDRRMC, nakaalerto

Tuloy-tuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Sinucalan River dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan sa lalawigan ng Pangasinan. Mula sa 6.60 MASL kaninang 12:00nn ay umakyat na naitalang lebel ng tubig sa 6.80 MASL as of 3:00 PM ngayong araw, September 2. Dagdag dito, 7.00 MASL ang maituturing sa critcal level ng tubig,… Continue reading Sinucalan River sa lalawigan ng Pangasinan, nasa Near Critical Level na; Mga BDRRMC, nakaalerto

Target revenue collection para sa buwan ng Agosto 2023, nahigitan ng BOC

Iniulat ng Bureau of Customs (BOC) na nahigitan nito ang target revenue collection na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa buwan ng Agosto 2023. Base sa datos, umabot ng Php 75.642 billion, ang nakolekta ng BOC na lagpas sa target na Php 72.275 billion o 4.7%, katumbas ng Php 3.367 billion. Mula… Continue reading Target revenue collection para sa buwan ng Agosto 2023, nahigitan ng BOC

Pinsala sa agrikultura bunsod ng pag-ulan at pagbaha na tumama sa Zamboanga City, umabot na sa higit P3-M

Umabot na sa P3,738,763 ang pinsala sa sektor ng agrikultura bunsod ng naranasang pag-ulan na naging sanhi ng pagbaha noong ika-23 hanggang ika-25 ng Agosto sa Zamboanga City. Maliban dito, nasa 81 na mga magsasaka rin ang naapektuhan ayon sa City Agriculturist Office. Umabot sa 48.77 na ektarya ng palay, mais, gulay at prutas ang… Continue reading Pinsala sa agrikultura bunsod ng pag-ulan at pagbaha na tumama sa Zamboanga City, umabot na sa higit P3-M

Sen. Poe, nanawagang ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pilipinong papalabas ng bansa

Hinimok ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na ipagpaliban na muna ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pilipinong papalabas ng bansa. Ito ay sa gitna ng hinaing ng publiko tungkol sa dagdag na mga dokumentong hihingin sa paglabas ng bansa dahil pasakit… Continue reading Sen. Poe, nanawagang ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pilipinong papalabas ng bansa

Bacolod City, isinailalim ng State of Calamity dahil sa epekto ng Bagyong Goring

Isinailalim na sa State of Calamity ang Bacolod City kasunod ng malawakang pagbaha na naranasan sa lungsod dahil sa pag-ulan na dala ng Habagat na pinalakas lalo ng Bagyong #GoringPH. Sa 61st regular session ng Bacolod City Council, inaprubahan ng mga konsehal ang request ni Mayor Albee Benitez na magdeklara ng State of Calamity. Batay… Continue reading Bacolod City, isinailalim ng State of Calamity dahil sa epekto ng Bagyong Goring