ERC, naniniwalang dapat tularan ng ibang distribution utilities ang More Power sa bill deposit refund at mababang power rate

Hinimok ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta ang iba’t ibang power distribution utilities, na gayahin ang ginawang bill deposit refund ng More Electric and Power Corporation (More Power). Ito ay matapos purihin ni Dimalanta ang More sa maayos nitong pamamalakad, at pagsunod sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers kasunod ng ipinatupad… Continue reading ERC, naniniwalang dapat tularan ng ibang distribution utilities ang More Power sa bill deposit refund at mababang power rate

MSWDO-Daraga, nagpatupad ng mga hakbang para masigurado ang kalinisan at kaligtasan ng IDPs sa evacuation centers

Ayon kay Daraga Municipal Social Worker and Development Officer Maricel M. Ordinario, sila ay nagpatupad ng ilang mga alituntunin at hakbang para masiguradong walang kontaminasyon o hawaan na magyayari habang nasa evacuation centers ang mga kababayang naapektuhan ng Mayon.

50 tonelada ng pagkain at gamot, ipinadala ng UAE, sa mga residenteng apektado ng paga-alburoto ng Bulkang Mayon

Nagpadala ng 50 tonelada ng pagkain at gamot ang United Arab Emirates sa mga residenteng apektado ng paga-alburoto ng bulkang Mayon. Base sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO), kasabay ng ika-125 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, dumating sa terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang food shipment,… Continue reading 50 tonelada ng pagkain at gamot, ipinadala ng UAE, sa mga residenteng apektado ng paga-alburoto ng Bulkang Mayon

Local chief executives, susi sa pagkamit ng sustainable development ayon kay VP Sara Duterte

Pinaalalahanan ni Vice President Sara Z. Duterte ang mga local chief executive na sila ang susi sa kaunlaran at sustainable growth ng bansa. Sa kanyang pagdalo sa Mindanao League of Municipalities, sinabi ni VP Sara na ang mga alkalde ang direktang may ugnayan sa mamamayan kaya batid nila ang pangangailangan ng bawat komunidad na nasasakupan.… Continue reading Local chief executives, susi sa pagkamit ng sustainable development ayon kay VP Sara Duterte

Mga residente na nakatira sa loob ng 8-kilometer PDZ ng bulkang Mayon, kailangang maging handa sa paglikas sakaling itaas sa Alert Level 4 ang bulkan

Pinaghahanda na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) ang mga residente na nakatira sa loob ng 8-kilometer permanent danger zone ng bulkang Mayon. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Phivolcs OIC Dr. Teresito Bacolcol, na kailangang maging handa ng mga residente doon sa paglikas, sakaling itaas sa Alert Level 4 ang bulkan.… Continue reading Mga residente na nakatira sa loob ng 8-kilometer PDZ ng bulkang Mayon, kailangang maging handa sa paglikas sakaling itaas sa Alert Level 4 ang bulkan

VP Sara, binigyang-pugay ang mga bayaning nakipaglaban sa terorismo, iligal na droga at korapsyon

Pinasalamatan ni Vice President Sara Z. Duterte ang mga bagong bayaning ipinaglaban ang kalayaan kontra terorismo, kriminalidad at katiwalian. Sa kanyang mensahe para sa ika-isandaan at dalawampu’t limang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, sinabi ni VP Sara na hanggang ngayon ay patuloy na nilalabanan ng mga bayaning ito ang komunismo para makamit ang kaunlaran. Partikular… Continue reading VP Sara, binigyang-pugay ang mga bayaning nakipaglaban sa terorismo, iligal na droga at korapsyon

Mahigit P1 umento sa kada litro ng mga produktong petrolyo, nakaamba na bukas

Nag-anunsiyo na ang iba’t ibang kumpanya ng langis hinggil sa ipatutupad na taas presyo sa kanilang mga produkto. Simula bukas, Hunyo 13, P1.20 ang umento sa kada litro ng gasolina habang nasa P1.40 naman ang umento sa kada litro ng diesel. Alas-12:01 mamayang hatinggabi, epektibo ang oil price hike ng kumpanyang Caltex habang ala-6 naman… Continue reading Mahigit P1 umento sa kada litro ng mga produktong petrolyo, nakaamba na bukas

Mga pagdiriwang kasabay ng Araw ng Kalayaan, mapayapa — NCRPO

Batay sa monitoring ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nanatiling mapayapa sa pangkalahatan ang mga ikinasang aktibidad kasabay ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw, sa kabila ng manaka-nakang pagbuhos ng ulan. Ayon kay NCRPO Spokesperson, Police Lieutenant Colonel Luisito Andaya, wala naman silang naitalang untoward incident sa kasagsagan ng okasyon bagaman… Continue reading Mga pagdiriwang kasabay ng Araw ng Kalayaan, mapayapa — NCRPO

Mga watawat ng Pilipinas sa lahat ng kampo Militar, ilalagay sa halfmast bilang pagbibigay-pugay kay yumaong dating Sen. Rodolfo “Pong” Biazon

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Medel Aguilar, ginampanan ni Biazon ang napakahalagang papel sa pagtatanggol sa demokrasya ng bansa at pagtatauyod sa integridad ng Sandatahang Lakas.

DAR, nanindigang Korte Suprema lang ang makapipigil sa implementasyon ng Argarian Reform Program

DAR Secretary Conrado Estrella III