DPWH, naglagay na ng Quick Response Asset sa 32 strategic location sa buong Cagayan bilang paghahanda sa bagyo

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWN) sa Rehiyon 2 ang deployment ng mga personnel at equipment bilang paghahanda sa paparating na bagyong #BettyPH. Naglagay ng Quick Response Asset ang District Engineering Offices sa 32 strategic location sa buong Cagayan Valley. Ang mga assistance stations para sa highway clearing operations ay inilagay… Continue reading DPWH, naglagay na ng Quick Response Asset sa 32 strategic location sa buong Cagayan bilang paghahanda sa bagyo

Paghahatid ng food at non-food items sa 16 na satellite warehouses sa Northern Luzon, nagpapatuloy pa -DSWD

Umabot na sa kabuuang 83,619 na food at non-food items ang nakalatag na sa 16 na regional at satellite warehouses ng DSWD Field Office 1 sa Northern Luzon. Ang mga hakbang na ito ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay bahagi pa rin ng preparasyon sa maaaring maging epekto ng bagyong #BettyPH.… Continue reading Paghahatid ng food at non-food items sa 16 na satellite warehouses sa Northern Luzon, nagpapatuloy pa -DSWD

Kamara, pinasalamatan ni PBBM sa maagap na pag-apruba sa National Land Use Act

Ikinalugod ng House of Representatives ang nakuhang pasasalamat mula kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr matapos mapagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang isa sa kaniyang LEDAC priority bill. Sa pagbubukas ng Pier 88 sa Liloan, Cebu nitong Sabado, binigyang diin ni PBBM ang kahalagahan ng National Land Use Act na siyang magiging gabay ng… Continue reading Kamara, pinasalamatan ni PBBM sa maagap na pag-apruba sa National Land Use Act

Passenger vessel na nagka-aberya sa karagatan ng Siargao, tinanggalan ng Cargo Ship Safety Certificate ng MARINA

Kinansela ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang Cargo Ship Safety Certificate ng isang passenger ship matapos magka-aberya at sumadsad sa Dapa, Siargao Island kahapon ng umaga. Batay sa ulat ng Philippine Ports Authority, nangyari ang aksidente dulot ng malakas na hangin kasabay ng pagkasira ng makina na dahilan ng pagsadsad nito. Nasa 38 pasahero ng… Continue reading Passenger vessel na nagka-aberya sa karagatan ng Siargao, tinanggalan ng Cargo Ship Safety Certificate ng MARINA

Gagamiting field water purification vehicles na nagmula sa NDRRMC, ipre-preposition na ngayong araw sa Lal-Lo, Cagayan

Mailalagay sa bayan ng Lal-lo, Cagayan ang Field Water Purification Vehicles (FWPV) na nagmula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Dumating kagabi sa Office of Civil Defense Region 2 – Emergency Operations Center sa siyudad ng Tuguegarao ang team na nagdala sa dalawang units ng FWPV na tinanggap naman ni OCD R2… Continue reading Gagamiting field water purification vehicles na nagmula sa NDRRMC, ipre-preposition na ngayong araw sa Lal-Lo, Cagayan

NCR, itinaas na sa “Alert Level Bravo” dahil sa bagyong #BettyPH

Itinaas na ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council sa “Alert Level Bravo” o Moderate Risk ang National Capital Region. Ginawa ito ng MMDRRMC matapos ang kanilang ginawang pre-disaster risk assessment meeting para sa bagyong #BettyPH. Batay sa taya ng PAGASA at Environmental Management Bureau (EMB), nasa 50mm na ulan ang ibabagsak ng… Continue reading NCR, itinaas na sa “Alert Level Bravo” dahil sa bagyong #BettyPH

Operasyon ng 13 electric cooperative sa Northern Luzon, normal pa -NEA

Nananatili pa ring normal ang operasyon ng 13 electric cooperative sa Northern Luzon. Ito’y ayon sa ulat ng National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department. Ayon sa NEA, lahat ng coverage areas ng 13 ECs ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal number 1 dahil sa bagyong #BettyPH. Ang 13 ECs na nasa… Continue reading Operasyon ng 13 electric cooperative sa Northern Luzon, normal pa -NEA

P49.3-M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa magkahiwalay na operasyon sa Caloocan City at Parañaque City

Aabot sa P49,300,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa Caloocan City at Parañaque City. Sa Caloocan City, narekober ang 3.8kg ng shabu na nagkakahalaga ng P25,840,000 mula sa mga suspect na sina Edgardo Vargas at Lenard Buenaventura. Nahulihan din sila ng isang baril… Continue reading P49.3-M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa magkahiwalay na operasyon sa Caloocan City at Parañaque City

Pasok sa mga paaralan sa buong Cagayan, suspendido bukas

Walang pasok bukas, Lunes, May 29, 2023 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cagayan. Nakapaloob ito sa inilabas na Executive Order No. 02 na nilagdaan ni Acting Governor Melvin Vargas Jr. dahil sa bagyong #BettyPH. Binibigyang diin na tanging sa mga paaralan lamang ang kanselado ang pasok dahil… Continue reading Pasok sa mga paaralan sa buong Cagayan, suspendido bukas

Ilang flights sa NAIA, kinasela ngayong tanghali

Ilang commercial flights ang kinansela ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ginawa ito dahil sa hindi magandang kondisyon ng panahon. Sa Flight Advisory No. 2 na inilabas ng NAIA, as of 12:12 ngayong tanghali, kinansela na ang flight schedule ng Philippine Airlines (PR) PR 437/438 na may biyaheng Nagoya-Manila-Nagoya. Sunod na ring nagkansela… Continue reading Ilang flights sa NAIA, kinasela ngayong tanghali