Libo-libong food packs, naibahagi ng pamahalaan sa mga biktima ng oil spill

Pumalo sa 3,000 food packs ang ipinamahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) at PCG Auxiliary (PCGA) ng Southern Tagalog para sa mga apektadong residente ng Oriental Mindoro oil spill. Base sa inilabas na pahayag ng PCG, ang naturang food packs ay tinanggap ni Provincial Government Administrator Hubbert Christopher Dolor mula kay Coast Guard District Southern… Continue reading Libo-libong food packs, naibahagi ng pamahalaan sa mga biktima ng oil spill

Natitirang langis sa MT Princess Empress, isang tanke na lang ayon sa PCG

Kinumpirma ni Rear Admiral Arman Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na isang tanke na lang ng industrial oil ang puno o full tank pa. Ayon kay Balilo, naghihintay pa sila ng official report hinggil sa bagging operations na inaasahang lalabas bukas. Posible aniyang nasa 300k liters na lamang ang natitirang langis sa tanker dahil… Continue reading Natitirang langis sa MT Princess Empress, isang tanke na lang ayon sa PCG

PCG, patuloy ang pagkalap ng datos hinggil sa mga insidente ng pagkalunod ngayong Semana Santa

Tuloy-tuloy ang ginagawang pag-tally ng Philippine Coast Guard sa mga ‘drowning incident’ ngayong long vacation. Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo patuloy pa rin nilang kinukuha ang mga report galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pero isa aniya sa pinakanakalulungkot na natanggap nilang balita ay ang pagkalunod ng anim na kabataan sa… Continue reading PCG, patuloy ang pagkalap ng datos hinggil sa mga insidente ng pagkalunod ngayong Semana Santa

Semana Santa sa Maynila, naging matagumpay ayon sa MPD

Maayos at payapa ang naging Semana Santa ngayong taon sa kapitolyo ng bansa. Ayon kay MPD top cop PBGen. Andre Dizon ito ay bunsod ng pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para masiguro ang seguridad ng lungsod. Katuwang aniya ang mga mamamahayag ay naiparating ng pwersa ng MPD ang mga kinakailangan impormasyon… Continue reading Semana Santa sa Maynila, naging matagumpay ayon sa MPD

Muling pagbubukas ng Kadiwa store sa Parañaque matapos ang Semana Santa maagang dinagsa ng mga mamimili

Binuksan na muli ang Petron Kadiwa store sa Brgy. San Antonio, Parañaque City matapos ang Semana Santa. Maagang pinilahan ang Kadiwa kung saan sunod-sunod ang pagdating ng mga namimili at marami silang binibili. Sinabi ng mag-asawang nakapanayam natin, maramihan ang pagbili sa Kadiwa at ito ay ginagawa nila dalawang beses kada isang linggo. Lubos silang… Continue reading Muling pagbubukas ng Kadiwa store sa Parañaque matapos ang Semana Santa maagang dinagsa ng mga mamimili

Mga eroplano sa NAIA, sunod-sunod na rin ang pagdating ngayong huling araw ng long weekend

Madaling araw pa lamang ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa ngayong huling araw ng long weekend. Base sa flight board sa NAIA Terminal 3 dumating ang eroplano mula sa Cebu, Iloilo, Cagayan De Oro kaninang alas-7 ng umaga. Alas-8 ng… Continue reading Mga eroplano sa NAIA, sunod-sunod na rin ang pagdating ngayong huling araw ng long weekend

Mahigit 90,000 na pasahero, naitala sa PITX kahapon

Unti-unti nang dumadating ang mga pasahero mula sa mga probinsya pabalik ng Metro Manila. Base sa monitoring ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sinabi ni Corporate Affairs officer Kolyn Calbas na umabot sa 91,456 ang pasahero sa PITX kahapon ng Linggo ng Pagkabuhay. As of 6am naman ngayong araw, nasa 7,445 ang mga pasahero sa… Continue reading Mahigit 90,000 na pasahero, naitala sa PITX kahapon

Pagbabawal sa ‘No Permit, No Exam’, malapit nang pagtibayin ng Kamara

Nalalapit nang lumusot sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na magbabawal sa ‘No Permit, No Exam’ policy sa mga pribadong elementary at high school. Ito’y matapos aprubahan sa viva voce voting ang House Bill 7584 bago mag-adjourn ang sesyon para sa Lenten break. Nakasaad sa panukala na ang magulang o guardian ng mag-aaral ay… Continue reading Pagbabawal sa ‘No Permit, No Exam’, malapit nang pagtibayin ng Kamara

SP Zubiri, ikinatuwa ang mataas na net satisfaction rating na nakuha ng Senado sa survey

Nagpasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na nagsasabing ang Senado ang nakatanggap ng pinakamataas na net satisfaction rating sa mga ahensya ng gobyerno. Sa fourth quarter 2022 SWS survey na ginawa mula December 10 to 14, 2022, nakakuha ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso ng ‘Very… Continue reading SP Zubiri, ikinatuwa ang mataas na net satisfaction rating na nakuha ng Senado sa survey

NCRPO, mananatiling naka-heigtened alert kahit tapos na ang Semana Santa

Tuloy-tuloy ang gagawing pagbabantay at paghihigpit sa seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahit tapos na ang Semana Santa. Kabilang sa babantayan ang matataong lugar, tulad ng terminal ng bus, tren, paliparan, pantalan, at mga pagtitipon. Ayon kay Police Lt. Col. Luisito Andaya, tagapagsalita ng NCRPO, mananatiling naka-heightened alert ang NCRPO hanggang May… Continue reading NCRPO, mananatiling naka-heigtened alert kahit tapos na ang Semana Santa