Higit 800 indibidwal, apektado ng bagyong Querubin – DSWD

Nakapagtala na ang DSWD ng inisyal na 177 pamilya o 832 indibidwal na apektado ng Bagyong Querubin. Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Northern Mindanao at Davao region. Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of Dec. 24, mayroong apat na pamilya o katumbas ng… Continue reading Higit 800 indibidwal, apektado ng bagyong Querubin – DSWD

Mandatory Evacuation, ipinanawagan ng Task Force Kanlaon kasunod ng tumataas na banta ng bulkan

Ngayong bisperas ng Pasko, ipinanawagan ng Task Force Kanlaon ang pagkakasa ng mandatory evacuation para sa lahat ng mga residenteng nakatira sa 6 kilometer extended danger zone sa bulkang Kanlaon. Ito ang inihayag ni Task Force Kanlaon Chairman Raul Fernandez nang pangunahan nito ang Regional Inter-Agency Coordinating Cell bunsod ng tumataas na volcanic activity sa… Continue reading Mandatory Evacuation, ipinanawagan ng Task Force Kanlaon kasunod ng tumataas na banta ng bulkan

Iloilo International Airport, bukas na muli para sa mga flights ayon sa CAAP

Binigyang diin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na prayoridad nila ang kaligtasan ng lahat, at ito ang dahilan ng pansamantalang pagsasara ng Iloilo International Airport. Ayon sa CAAP, naipaliwanag na nina Iloilo Airport Manager Manuela Luisa Palma, kasama ang Safety Officer, Engineering Team, and Passenger Terminal Building (PTB) supervisor ng CAAP kay… Continue reading Iloilo International Airport, bukas na muli para sa mga flights ayon sa CAAP

Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo — PHIVOLCS

Tuloy-tuloy ang pagbubuga ng abo ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island simula kaninang bago mag alas-12 ng tanghali. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) aabot sa 1.2 kilometrong taas ang ibinugang abo ng bulkan at napadpad sa direksyon ng Hilagang-Kanluran. Naitala din ng PHIVOLCS ng mahihina pero mas madalas na mga… Continue reading Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo — PHIVOLCS

Agrarian Reform Community sa Bayan ng Omar, Sulu, inilunsad ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform

Kamakailan, inilunsad ang Omar Agrarian Reform Community (ARC) ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) sa Covered Court sa barangay Lahing-Lahing sa bayan ng Omar, Sulu. Dinaluhan ito ng mga opisyal at tauhan ng Lokal na Pamahalaan ng Omar sa pangunguna nina Mayor Abdulbaki J. Adjibon at Vice Mayor Juddin-Nur Dam Pantasan. Naroon… Continue reading Agrarian Reform Community sa Bayan ng Omar, Sulu, inilunsad ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform

Pamamahagi ng cash assistance, nagpapatuloy sa mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon

Bukod sa walang patid na buhos ng family food packs, tuloy-tuloy na rin ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng financial assistance sa mga residenteng naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon. Sa pangunguna ng DSWD Field Office 7, aabot sa 1,739 pamilyang inilikas ang nakatanggap ng cash aid kamakailan. Ang bawat… Continue reading Pamamahagi ng cash assistance, nagpapatuloy sa mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon

Biyahe pa-Baguio sa isang terminal sa Cubao, fully booked na hanggang bisperas ng Pasko

Punuan na ang biyahe patungong Norte dito sa Victory Liner sa Cubao, Quezon City. Ayon sa dispatcher, mula pa noong weekend ay fully booked na ang biyahe hanggang sa bisperas ng Pasko sa December 24, 2024. Marami na ring mga pasaherong nagsiluwas sa probinsya nitong Sabado at Linggo. Sa kabila nito, inaasahan ng terminal ang… Continue reading Biyahe pa-Baguio sa isang terminal sa Cubao, fully booked na hanggang bisperas ng Pasko

Mga pasaherong humahabol para makauwi ngayong Pasko, tuloy-tuloy ang dating sa mga terminal sa Cubao

Maaga pa lang ay marami na ang mga pasaherong nakaabang sa terminal ng Superlines sa Cubao, Quezon City para makauwi sa kani-kanilang probinsya ngayong holiday season. Ayon sa dispatcher ng bus, kahapon palang ay dagsa na ang mga pasahero dito na pauwing Quezon at Bicol Region. Kahit nga fully booked na ang karamihan ng biyahe… Continue reading Mga pasaherong humahabol para makauwi ngayong Pasko, tuloy-tuloy ang dating sa mga terminal sa Cubao

PAGASA, nagbabala ng malakas na ulan at landslides sa Albay dulot ng Shear Line at Bagyong Romina

Isang makapal na ulap ang natakpan ang Bulkang Mayon, na nagdudulot ng madilim na kalangitan at nagbabadyang malalakas na pag-ulan sa buong lalawigan ngayon, December 23, 2024. Ayon sa mga residente, ang mga ulap na ito ay indikasyon ng masamang lagay ng panahon dulot ng shear line at ang direktang epekto ng Bagyong Romina. Inaasahan… Continue reading PAGASA, nagbabala ng malakas na ulan at landslides sa Albay dulot ng Shear Line at Bagyong Romina

DSWD, namahagi ng financial aid sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon

Nagsimula nang mamahagi ng pinansyal na tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon. Sa ulat ng DSWD Field Office 7, pinagkalooban na ng cash assistance ang 1,739 pamilya na nakakanlong sa Camps 1 hanggang 4 sa Canlaon City, Negros Oriental. Bawat pamilya ay nakatanggap ng… Continue reading DSWD, namahagi ng financial aid sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon