Pamamahagi ng ayuda para sa micro rice retailers sa San Juan City, muling umarangkada

Muling umarangkada, ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga maliliit na rice retailer sa Lungsod ng San Juan. Ito ay ‘yung mga rice retailer na hindi nabigyan ng ayuda noong nakaraang Sabado. Matatandaang kabilang ang Lungsod ng San Juan sa apat na lungsod sa Metro Manila na unang nabigyan ng ayuda ng Department of… Continue reading Pamamahagi ng ayuda para sa micro rice retailers sa San Juan City, muling umarangkada

DSWD, bumili ng mga sasakyan para palakasin ang Oplan Pag-Abot program

Bumili ng bagong fleet ng mga sasakyan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para gamitin sa kanilang kampanya na Oplan Pag-Abot sa Metro Manila at iba pang national urban centers sa bansa. Sinabi ni Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez na ang pagkuha ng 12 brand-new vehicles ay para mapalakas at mapalawak… Continue reading DSWD, bumili ng mga sasakyan para palakasin ang Oplan Pag-Abot program

DSWD, hindi na pinapayagan ang pagdadala ng mga bata sa loob ng ahensiya sa pakikipagtransaksyon

Dahil sa limitado lamang ang pasilidad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga kliyente ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), mahigpit nang ipinagbabawal ang pagdadala ng mga anak o mga bata sa loob ng ahensiya. Nilalayon nitong maiwasan ang anumang panganib o aksidente na maaaring mangyari sa mga bata.… Continue reading DSWD, hindi na pinapayagan ang pagdadala ng mga bata sa loob ng ahensiya sa pakikipagtransaksyon

Pamilya na namatayan ng tatlo sa sunog sa Quezon City, binigyan ng tulong pinansiyal ng DSWD

Pinagkalooban na ng tulong pinansiyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamilya na namatayan ng tatlong miyembro sa sunog na sumiklab sa isang garments shop sa Tandang Sora, Quezon City. Nagtungo sa tanggapan ng DSWD Central Office sa Quezon City ang pamilya na sinamahan ni Rizal Mindoro Occidental Mayor Sonny Pablo para… Continue reading Pamilya na namatayan ng tatlo sa sunog sa Quezon City, binigyan ng tulong pinansiyal ng DSWD

DSWD Sec. Gatchalian, iniutos ang pagpapadala ng 55,000 relief packs sa Western Visayas

Dahil sa malawakang pagbaha na nakakaapekto ngayon sa Western Visayas Region, iniutos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ang agarang pagpapadala ng 55,000 family food packs (FFPs) sa iba’t ibang warehouses sa Region 6. Partikular na inatasan ng kalihim ang Disaster Response and Management Group (DRMG) na agad tapusin ang… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, iniutos ang pagpapadala ng 55,000 relief packs sa Western Visayas

DSWD CAR, mahigpit nang minomonitor ang galaw ni bagyong #GoringPH

Isina-aktibo na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office sa Cordillera Administrative Region ang kanilang Regional Operations Center bilang paghahanda sa bagyong #GoringPH. Sa pamamagitan nito masusubaybayan ang galaw at epekto ng bagyo sa rehiyon. Pagtitiyak ng DSWD na nakahanda na sila sa nakaambang epekto ng sama ng panahon. Nasa higit 29,000… Continue reading DSWD CAR, mahigpit nang minomonitor ang galaw ni bagyong #GoringPH

Pagproseso ng AICS sa Central at NCR offices, ipagpapatuloy sa Agosto 29 -DSWD

Ipagpapatuloy na sa Martes, Agosto 29 ang pagproseso ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office at sa National Capital Region. Sinuspinde ng DSWD ang pagtanggap ng mga request noong Agosto 25 hanggang 28 para sa pagproseso gayundin ang payout para sa AICS. Dahil ito… Continue reading Pagproseso ng AICS sa Central at NCR offices, ipagpapatuloy sa Agosto 29 -DSWD

DSWD-9, namahagi ng ayuda sa mga biktima ng sunog sa Zamboanga City

Nanguna ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 9 sa pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ng nangyaring sunog kamakailan sa Tambucho Drive, Barangay Camino Nuevo, Zamboanga City. Nasa higit 200 mga pamilya ang inilikas sa dalawang evacuation centers na nabigyan ng tulong ng naturang tanggapan. Kabilang sa mga naipamahagi ay mga… Continue reading DSWD-9, namahagi ng ayuda sa mga biktima ng sunog sa Zamboanga City

Pagkakaroon ng disaster food bank sa kada probinsya, lusot na sa Kamara

Pinagtibay ng mababang kapulungan ng kongreso ang panukala para sa pagtatayo ng food bank at pag-iimbak ng mga relief goods sa bawat probinsya at highly urbanized city sa bansa. Layon ng House Bill 8463 na makapagpatayo ng Disaster Food Bank and Stockpile sa buong bansa para sa mabilis na pamamahagi ng tulong sa mga magiging… Continue reading Pagkakaroon ng disaster food bank sa kada probinsya, lusot na sa Kamara

DSWD, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga LGU na naapektuhan ng oil spill sa Mindoro

Nananatili pa rin ang malakas na koordinasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local government unit sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, patuloy ang ugnayan nito sa provincial government para sa iba pang posibleng pamamagitang kailangan ng mga LGU. Ito’y bagama’t pinayagan nang… Continue reading DSWD, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga LGU na naapektuhan ng oil spill sa Mindoro