Resibo ng Caloocan LGU para sa business at real property tax, digital na

Sinimulan na ng Caloocan City Treasury Department (CTD) ang pag-iisyu ng electronic official receipts (e-OR) para sa mga business at real property tax na binayaran online. Ayon sa pamahalaang lungsod sa ilalim ng bagong sistema, otomatiko nang natatanggap ng taxpayer ang e-OR nito sa bawat online transactions. Ang naturang hakbang ay bahagi aniya ng layunin… Continue reading Resibo ng Caloocan LGU para sa business at real property tax, digital na

109th Birth Anniversary ng Gawad Manlilikha ng Bayan sa Telang Tradisyunal, ginunita sa South Cotabato

Ginunita kahapon ng Provincial Government ng South Cotabato sa pakipagtulungan ng Local Government Unit ng bayan ng Polomolok ang 109th birth anniversary ni Tabih Master Fu Yabing Masalon Dulo sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak o wreath laying ceremony. Dinaluhan ito ng maraming panauhin upang parangalan ang dedikasyon ni Fu Yabing bilang Gawad Manlilikha ng… Continue reading 109th Birth Anniversary ng Gawad Manlilikha ng Bayan sa Telang Tradisyunal, ginunita sa South Cotabato

DA-BPI: May sapat na tulong para sa agri-sector na naapekthan ng nagdaang bagyo

Tiniyak ni Bureau of Pant Industry (BPI) Director Glenn Panganiban sa mga mambabatas, na umaksyon agad ang Department of Agriculture (DA) para magpaabot ng tulong sa mga magsasaka na apektado ng nagdaang bagyong Egay at Falcon. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, natanong ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang… Continue reading DA-BPI: May sapat na tulong para sa agri-sector na naapekthan ng nagdaang bagyo

Most Wanted sa lalawigan ng Pangasinan, huli ng mga awtoridad

Nahuli ng mga awtoridad ang Most Wanted Person sa lalawigan ng Pangasinan o Top 1 wanted person sa Provincial at Municipal Level sa Brgy. San Juan, San Jacinto, Pangasinan dakong 7:20am kahapon (August 8, 2023). Ginawa ang panghuhuli ng pinagsanib na puwersa ng San Jacinto Police Station bilang lead Unit katuwang ang Intelligence Unit ng… Continue reading Most Wanted sa lalawigan ng Pangasinan, huli ng mga awtoridad

DOH, nakiisa sa paglulunsad ng “Lab for All” caravan sa Bataan

Photo courtesy of First Lady Liza Marcos FB page

Pinangunahan nila First Lady Lisa Araneta-Marcos at Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang paglulunsad ng ‘Lab for All’ caravan sa Lungsod ng Balanga sa Lalawigan ng Bataan. Ito ay programa ng pamahalaan na naglalayong palawakin pa ang pagbibigay ng primary care service sa bansa, kung saan bawat Pilipino mula sa iba’t ibang dako… Continue reading DOH, nakiisa sa paglulunsad ng “Lab for All” caravan sa Bataan

Pondo, dahilan ng pagkaantala ng Mindanao Railway Project

Hinihintay na lamang ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang pondo upang masimulan na ang isa sa pinakamalaking proyekto ng pamahalaan, ang Mindanao Railway Project (MRP). Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, sa isinagawang Post SONA 2023 Philippine Economic Briefing sa Davao City, nasa P81.67 billion ang kakailanganin para sa Phase 1 ng MRP mula… Continue reading Pondo, dahilan ng pagkaantala ng Mindanao Railway Project

Amnesty Proclamation, planong ipadala sa Kongreso para sa Leftist na may existing WOA

Planong ipadala sa Kongreso ang amnesty proclamation para sa may existing warrants of arrest sa hanay ng makakaliwang grupo. Ito ang sinabi ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. sa isinagawang press conference matapos ang programang ginanap sa 117th Birth Anniversary ng dating Gobernador Roque Ablan Sr o Ablan Day. Paliwanag ng kalihim na ang mga… Continue reading Amnesty Proclamation, planong ipadala sa Kongreso para sa Leftist na may existing WOA

Responsableng Kandidato campaign ng COMELEC, matagumpay na isinagawa sa Iloilo City

Matagumpay na isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC) ang #ResponsablengKandidato campaign sa pamamagitan ng isang forum na ginanap isang mall sa Iloilo City. Mga aspiring candidates at mga opisyales ng Sangguniang Kabataan at Barangay ang nakilahok sa nasabing aktibidad ng ahensya. Ayon kay COMELEC 6 Regional Director Atty. Dennis, layon ng forum na mapalaam sa… Continue reading Responsableng Kandidato campaign ng COMELEC, matagumpay na isinagawa sa Iloilo City

Roadworks sa Metro Manila, pansamantalang ititigil para mabigay daan sa preparasyon ng FIBA World Cup

Ihihinto muna ang ilang roadworks sa Metro Manila ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA. Ito ay upang magbigay daan sa mga gagawing preparasyon para sa gaganaping FIBA World Cup sa bansa. Batay sa MMDA Memorandum Circular No. 7 series of 2023, pansamantalang ititigil ang road works simula August 17 hanggang September 10. Kabilang… Continue reading Roadworks sa Metro Manila, pansamantalang ititigil para mabigay daan sa preparasyon ng FIBA World Cup

Isabela solon sa NEA: Aksiyunan na ang pang-aabuso at katiwalian ng mga opisyales ng electric cooperatives

Nanawagan si Isabela 6th District Representative Faustino “Inno” Dy V kay National Electrification Administration (NEA) Chief Antonio Almeda, na tuldukan na ang pang-aabuso ng mga opisyales ng electric cooperatives. Ayon kay Dy, dapat nang baguhin ang polisiya na siyang nagpapahirap sa mga kooperatiba at nagdudulot ng problema sa mga mamamayan. Sa kanyang privilege speech sa… Continue reading Isabela solon sa NEA: Aksiyunan na ang pang-aabuso at katiwalian ng mga opisyales ng electric cooperatives