Labi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, dumating na sa DMW Office

Dumating na ang labi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople sa Department of Migrant Workers (DMW) office sa Ople Building sa Ortigas Avenue sa Mandaluyong City ngayong gabi. Kasalukuyang isinasagawa ang Gabi ng Parangal at Pagpupugay para sa yumaong kalihim. Ito ay dinadaluhan ng pamilya, mga kaibigan, mga opisyal ng DMW, recruitment agencies, OFW… Continue reading Labi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, dumating na sa DMW Office

Pag-hire ng senior citizens ng mga pribadong kumpanya at tanggapan ng gobyerno, ipinapanukala

Isa pang panukala ang inihain ng ACT-CIS Party-list solons, na magbibigay ng patas na oportunidad sa pagtatrabaho. Matapos ang pagsusulong na bigyan ng posisyon sa mga kumpanya ang persons with disability (PWDs), itinutulak nina Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, kasama sina ACT-CIS Representative. Jocelyn Tulfo at Edvic Yap; Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City… Continue reading Pag-hire ng senior citizens ng mga pribadong kumpanya at tanggapan ng gobyerno, ipinapanukala

PNP, may nasampolan na sa pagpapatupad ng COMELEC Gun Ban para sa Barangay at SK Elections

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may isa nang nahuling lumabag sa ipinatutupad na COMELEC Gun Ban, ngayong nagsimula na ang paghahain ng kandidatura para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections (BSKE). Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Redrico Maranan, kinilala ang isang nasampolan sa gun ban na… Continue reading PNP, may nasampolan na sa pagpapatupad ng COMELEC Gun Ban para sa Barangay at SK Elections

Silver medal win ni EJ Obiena sa Athletics World Championship, pinuri ng Manila solon

Nagpaabot ng pagbati at papuri si Manila Representative Joel Chua sa kanyang kababayang si EJ Obiena matapos nitong masungkit ang silver medal sa Athletics World Championship. Ayon kay Chua, ipinakita ni Obiena kung gaano na kalaki ang kaniyang pinagbago at paano pa niya napaghusay ang galing sa pole vault. Maliban sa silver medal ay nagawa… Continue reading Silver medal win ni EJ Obiena sa Athletics World Championship, pinuri ng Manila solon

Dating pulis na sangkot sa road rage incident, dapat na kasuhan – DILG

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na dapat sampahan ng kaso ang dating pulis at driver na nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista malapit sa Welcome Rotonda, Quezon City noong Agosto 8. Bagamat nagkaayos na ang siklista at ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales,… Continue reading Dating pulis na sangkot sa road rage incident, dapat na kasuhan – DILG

P500-M, inilaan ng gobyerno para i-upgrade ang bicycle lanes at pedestrian footpaths sa ilalim ng Active Transport Program

Tinatayang nasa P500 million ang inilaan para sa upgrading ng bicycle lanes at pedestrian walkways sa ilalim  ng national government’s Active Transport Program (ATP) para sa taong 2024. Sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo, layon nito na i-develop ang pagbibisiketa at paglalakad sa mga lansangan. Aniya, suportado niya ang active transport na naglalayong mabawasan ang motor vehicle… Continue reading P500-M, inilaan ng gobyerno para i-upgrade ang bicycle lanes at pedestrian footpaths sa ilalim ng Active Transport Program

Mga paaralan sa QC, handa na sa pagbubukas ng klase bukas

Isa ang Pinyahan Elementary School sa Quezon City ang handa na sa unang araw ng pasukan ng klase bukas, Agosto 29. Ayon kay Ginang Aireen Dulfo, Principal ng eskwelahan, kabuuang 2,400 na mag-aaral mula kinder hanggang grade 6 ang naka-enroll para sa School Year 2023-2024. Naipamahagi na rin ang mga learning material at school bags… Continue reading Mga paaralan sa QC, handa na sa pagbubukas ng klase bukas

VP Sara Duterte, kinilala ang mga nagawa ng mga bayaning lumaban para sa kalayaan ng bansa ngayong National Heroes Day

Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang mga sakrispiyo ng mga bayaning lumaban para sa kalayaan ng bansa ngayong National Heroes Day. Sa mensahe ni VP Sara, kinilala nito ang sakripisyo ng mga bayaning sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. de Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino, at… Continue reading VP Sara Duterte, kinilala ang mga nagawa ng mga bayaning lumaban para sa kalayaan ng bansa ngayong National Heroes Day

77 kandidato para sa BSKE, nakapag-file na ng COC sa Jolo

Maayos naman nakapag-file ng kanilang certificate of candidacy (COC) ang ilang mga kakandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) sa bayan ng Jolo sa buwan ng Oktubre taong kasalukuyan. Base sa ipinalabas na listahan ni OIC Election Officer Sharif Ututalum ng COMELEC Jolo, nasa 77 na ang nag-file ng COC sa unang araw… Continue reading 77 kandidato para sa BSKE, nakapag-file na ng COC sa Jolo

Bilang ng mga nakapag-enroll para sa School Year 2023-2024, pumalo na sa mahigit 22 milyon – DepEd

Umakyat na sa 22,381,555 ang bilang ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na para sa School Year 2023-2024 Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepEd), isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan. Ayon sa Learner Information System Quick Count: nangnguna pa rin ang Region 4A o… Continue reading Bilang ng mga nakapag-enroll para sa School Year 2023-2024, pumalo na sa mahigit 22 milyon – DepEd