Nakikiisa rin ang Quezon City Police District o QCPD sa Brigada Eskwela bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027 sa June 8.
Ayon sa QCPD, magbibigay ito ng seguridad at traffic management support sa mga aktibidad ng Brigada Eskwela hanggang sa biyernes, June 5.
Ito ay para matiyak ang maayos at ligtas na paghahanda ng mga paaralan sa lungsod.
Kaugnay nito, handa na rin ang Oplan Balik-Eskwela ng QCPD kung saan magpapakalat ito ng 209 na pulis sa 175 pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City.
Maglalagay rin ng 86 Police Assistance Desks sa mga pangunahing paaralan at matataong lugar para mapabilis ang pagtugon sa anumang insidente at reklamo ng publiko.