Hindi inaalis ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang posibilidad na may survivor pa rin sa gumuhong gusali sa Angeles, Pampanga.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon sinabi ni FSupt. Anthony Arroyo, tagapagsalita ng BFP, bagamat 0-72 hours ang karaniwang panahon na mataas ang tsansa na may nakakaligtas sa ganitong uri ng insidente, pero may posibilidad pa rin na makaligtas tulad ng naging survivors noong 1990 Luzon Earthquake sa hotel na Hyatt Terraces sa Baguio.
Dahil naman dito, ipinaliwanag ng BFP na maingat ang rescue operations na ginagawa nila sa Pampanga tulad ng hindi paggamit ng mga heavy equipment, at minsanang pagtigil o pananahimik para marinig kung may nanghihingi ng tulong na survivors sa lugar.
Sa ngayon, tinatayang nasa 11 days na ang operasyon sa lugar mula nang gumuho ang gusali noong May 24 pasado alas-2 ng madaling araw. | ulat ni Louisa Erispe