File photo
May 15 lugar sa bansa ang makakaranas pa rin ng danger level na init kahit pa panahon na ng tag-ulan.
Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas pa rin ng 45°C na init sa Infanta, Quezon at Roxas City, Capiz, 44°C naman sa Catarman, Northern Samar at Guiuan, Eastern Samar habang may tatlong lugar na nasa 43°C at may walong lugar na nasa 42°C.
Bukod pa rito, may 60 na lugar na inaasahan ding nasa extreme caution na init na nasa 33°C hanggang 41°C.
Patuloy pa rin naman ang paalala ng PAGASA na iwasan muna ang madalas na pananatili sa initan at uminom ng maraming tubig.