Nagpaalala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng social media.
Ayon sa CICC, naka-monitor sila sa diskusyon at aktibidad ng ilang grupo online na nag-uudyok na magsagawa ng kilos-protesta matapos ang pagbabago ng liderato sa Senado.
Kasabay nito, pinag-iingat din nila ang publiko sa mga impormasyon online na mapanlinlang na layong lituhin ang mga tao at magpalala ng isyu sa pulitika.
Ayon kay Undersecretary Renato ‘Aboy’ Paraiso, ang cyberspace o paggamit ng mga online platform ay hindi lamang paraan upang ilahad ang opinyon ng bawat isa kundi dapat tiyakin din na maging responsable at siguruhin na tama ang mga impormasyon.