Oplan Balik Eskwela inilunsad ng Department of Education (DepEd) Caraga regional office, bilang paghahanda sa pagbubukas ng school year 2026-2027 sa June 8.
Sinabi ni DepEd Caraga Assistant Regional Director Pedro Escobarte Jr., na handa na ang 13 division sa buong rehiyon at natugunan na rin ang kakulangan ng silid aralan, sa pakikipag koordinasyon nito sa mga pamahalaang lokal.
Base sa datos, ang rehiyon ay may kabuuang 22,674 classrooms, at karagdagang 5,518 proposed new classrooms na kasalukuyang pinoproseso para maisakutaparan ang konstruksiyon.
Dagdag ni ARD Escobarte Jr., handa na rin ang 33,637 na mga guro na nakadestino sa 13 division sa buong rehiyon na magpapatupad sa three term school calendar.
Sila ay susuportahan ng 2,963 teaching related personnel at 4,234 non teaching personnel. | ulat ni Jocelyn Morano | Radyo Pilipinas Butuan