Nanindigan si Senate President Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang magiging presiding officer ng impeachment court.
Giit ni Cayetano, siya pa rin ang Senate President at batay sa konstitusyon ang Senate President ang presiding officer ng impeachment court maliban na lang kung ang pangulo ng Pilipinas ang lilitisin, dahil sa ganitong sitwasyon, ang chief justice ang magiging presiding officer.
Binigyang-diin rin ni senador na si Atty. Jose Luis Montales pa rin ang clerk of court ng impeachment court bilang si Montales pa rin ang Senate secretary.
Aniya, officer din ng Senado si Montales kaya kailangan ng 13 na boto para mapalitan ito.
Ang clerk of court ang siyang tumatanggap ng mga pleadings at iba pang dokumento sa impeachment proceedings.