Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong Mayo, ayon yan sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa ulat ni National Statistician Dennis Mapa, bumagal sa 6.8% ang inflation rate mula sa 7.2% noong Abril, sa kabila ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Middle East.
Katumbas na ito ng 4.5% ang average inflation mula Enero hanggang Mayo.
Paliwanag ni Mapa, bunsod ito ng pagbagal sa presyo ng produktong petrolyo at pagkain.
Kasama sa nakaambag ang pagbagal ng inflation sa transport kabilang ang naging sunod-sunod na rollback sa presyo ng diesel at gasolina.
Nakaambag din ang pagbagal ng food inflation partikular ang pagbaba ng presyo ng sibuyas, karneng baboy, at isda gaya ng bangus.
Tinukoy din ng PSA ang pagbagal sa inflation ng LPG at renta sa bahay.
Dito sa Metro Manila, bumagal rin sa 5% ang headline inflation mula sa 5.5% noong Abril. | ulat ni Merry Ann Bastasa