Batid ng Marcos Administration ang hamon sa pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa mga class suspension bunsod ng iba’t ibang sakuna o kalamidad.
Dahil dito, ang Malacañang, maglalabas ng kautusan kung saan ilalatag ang malinaw na patakaran para sa suspensyon ng klase at kung kailan ito maaaring ibalik.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, sa bisa ng ibababang executive order, bibigyan ng dagdag na kapangyarihan ang mga LGU na magpasya kung saan partikular na lugar o paaralan lamang kailangang magkansela ng klase, depende sa sitwasyon.
Sa ganitong paraan, mas magiging direkta at angkop aniya ang tugon at aksyon ng mga LGU.
Magkakaroon din ng kakayahan ang mga paaralan na magsuspinde ng klase kung talangang kinakailangan para sa mga estyudante, lalo’t prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga maga-aral.
Tiwala ang Palasyo na makakatulong ang EO upang siguruhin na magpapatuloy ang pagkatuto ng mga bata, sa pamamagitan ng alternative learing arrangement.