File Photo
Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa na palakasin ang feeding programs laban sa gutom at malnutrisyon sa mga bata.
Sa Memorandum Circular No. 2026-053, hinikayat ang mga LGU na tiyakin ang epektibong implementasyon ng Supplementary Feeding Program katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ilalim ng programa, bibigyan ng masustansyang pagkain at sariwang gatas ang mga batang edad dalawa hanggang limang taong gulang sa Child Development Centers.
Kasama rin ang nutritional assessment, deworming, bakuna, at iba pang health interventions.
Iginiit ng DILG na dapat magpatuloy ang feeding program kahit sa panahon ng kalamidad, sa pamamagitan ng home food delivery o community kitchens.
Layon nitong labanan ang malnutrisyon at stunting at matiyak ang mas malusog na paglaki ng mga batang Pilipino.