Pansamantalang papayagan ang mga pribadong sasakyan na dumaan sa bahagi ng EDSA Busway mula Nepa Q Mart hanggang Boni Avenue simula November 2.
Ito ang inanunsiyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng road asphalting works bilang bahagi ng ikalawang yugto ng EDSA Rehabilitation Project.
Ayon sa DOTr, inaasahang tatagal nang dalawang linggo ang naturang roadworks.
Sa panahon ng rehabilitasyon, pansamantalang gagamitin ng mga pribadong motorista ang nasabing bahagi ng busway upang maiwasan ang abala habang isinasagawa ang pagkukumpuni at pag-aaspalto ng kalsada.
Inaasahang maibabalik sa normal ang paggamit ng naturang bahagi ng EDSA Busway matapos makumpleto ang mga kinakailangang roadworks.