Naghatid ng kasiyahan at pag-asa ang Police Regional Office 6 sa 29 na batang benepisyaryo ng Friends of Cancer Kids (Iloilo) Foundation, Inc. sa pamamagitan ng isang gift-giving activity na isinagawa sa Tigbauan, Iloilo.
Pinangunahan nina PRO-6 Director P/BGEN Randulf T. Tuaño, Iloilo Police Provincial Office Director P/Col. Bayani Razalan, at mga miyembro ng Regional Staff ang pamamahagi ng mga regalo sa mga bata at kanilang mga pamilya.
Ipinakita ng gift-giving activity ang malasakit at suporta ng kapulisan sa mga batang nangangailangan ng pag-asa, inspirasyon, at pag-aaruga habang patuloy nilang hinaharap ang kanilang mga hamon sa buhay.
Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga bata at kanilang mga magulang sa tulong at pagmamalasakit na ibinahagi ng kapulisan. | Paul Tarrosa, Radyo Pilipinas Iloilo
📷 ORD-PRO6



