Buo ang suporta ng mga alkalde sa syudad at probinsya ng Iloilo sa pagpapatayo ng Unified 911 Satellite Command Centers sa bansa.
Ang ceremonial launching sa Leganes, Iloilo ay pinangunahan nina PNP Chief P/General Jose Melencio Nartatez Jr., BFP Director F/Chief Supt. Wilberto Kwan Tiu, at mga lokal na opisyales sa syudad at probinsya ng Iloilo.
Ayon kay Iloilo City Mayor Raisa Treñas, suportado niya ang programa dahil mas mapapabilis ang pagresponde kung may emerhensya o insidente sa komunidad.
Layunin ng Unified 911 na mapabilis ang pagtugon sa mga emergency at matiyak na masasagot ang mga tawag sa 911 gamit ang mga lokal na dialect gaya ng Hiligaynon, Kinaray-a, Ilocano, Ibanag, at Waray.
Nagpapasalamat naman si PNP Chief Jose Melencio Nartatez sa suporta ng mga local government units at tiniyak na palalakasin pa ang programa para masugpo ang kriminalidad at mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa komunidad.
Ang pagpapalawak ng 911 program ay bahagi ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang crisis management at magtayo ng localized emergency response systems sa buong bansa. | Paul Tarrosa | Radyo Pilipinas Iloilo


