Nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Department of Energy (DOE) na silipin ang status ng mga proyekto na ginagawa ng National Grid Corporation of the Philippines
(NGCP).
Ang kautusan, ayon kay Palace Press Officer Undersecretry Claire Castro, ay ginawa sa gitna ng iba’t ibang usapin na may kinalaman sa power situation ng bansa na dapat aniyang mabilis na matugunan.
Ang utos, aniya, ng Presidente ay dapat magsagawa ng review sa performance ng NGCP partikular ang Energy Regulatory Commission (ERC) at tiyaking tapos ang trabaho ng nasabing kumpanya na nangangasiwa sa transmission system ng kuryente sa Pilipinas.
Kasama din, sabi ni Castro, sa utos ng Pangulo ang pagpapagawa pa ng mga bagong power plants at transmission network gayundin ang pagpapatupad ng interventions para tugunan ang mga problemang nagpapa-antala sa konstruksiyon ng submarine cables at transmission lines. | ulat ni Alvin Baltazar