Courtesy of NGCP
Sa ikatlong sunod na linggo, muling itataas sa Yellow Alert status ang buong Visayas Grid ngayong araw, June 5, 2026.
Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), epektibo ang Yellow Alert mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Nabatid na mayroong 8 planta ang nananatiling bagsak habang may 11 planta ang gumagana subalit nasa derated capacity o kapos ang suplay ng kuryente.
Itinataas ang Yellow Alert status dahil sa manipis na suplay ng kuryente sa Grid.