Handa na ang seguridad ng Davao City Police Office (DCPO) para sa pagbubukas ng School Year 2026 – 2027, ngayong Hunyo 8, 2026.
Inihayag ni DCPO Spokesperson Capt. Hazel Caballero, na nasa 1,301 na mga pulis ang ipapakalat para bantayan ang 444 na mga paaralan sa lungsod.
Ayon kay Caballero, babantayan ng kapulisan ang daloy ng trapiko sa mga paaralan partikular ang pagtawid ng mga bata sa kalsada.
Maglalagay din ito ng Police Assistance Desk sa mga paaralan para may matakbuhan ang mga sino man na nangangailangan ng agarang aksyon mula sa kapulisan.
Panawagan naman ni Caballero sa mga magulang at mag-aaral, na sa panahon na magsisimula na ang pasukan ay sumunod ito sa mga regulasyon gaya ng pagtawid sa pedestrian lanes upang maiwasang masagasaan ng mga sasakyan. | ulat ni Armando Fenequito | Radyo Pilipinas Davao