Tumanggap ng tulong pinansyal ang kabuuang 1,258 mangingisda mula sa limang bayan sa Camarines Sur sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP).
Kabilang sa mga benepisyaryo ang 440 mangingisda mula sa Ragay, 225 mula sa Del Gallego, 203 mula sa Cabusao, 38 mula sa Lupi, at 352 mula sa Sipocot.
Sa ilalim ng programa, bawat kwalipikadong benepisyaryo ay tumanggap ng ₱2,325 na cash assistance bilang dagdag-suporta sa kanilang kabuhayan sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng sektor ng pangisdaan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol, inaasahang magpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng PAFFP sa iba pang mga bayan at lalawigan sa rehiyon sa mga susunod na araw.
Courtesy: BFAR Bikol