Idinaos na MOA Signing para sa pagbibigay ng espesyal na diskwento sa Laboratory Test at Room Accomodation sa pagitan ng Tayug Family Hospital at Pag-IBIG Fund, naging matagumpay
Nagkasundo ang PAG-IBIG Fund at Tayug Family Hospital sa pamamagitan ng isang Memorandum of AGREEMENT O MOA na magbibigay ng espesyal na diskuwento sa mga may hawak ng PAG-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus, kabilang ang kanilang mga benepisyaryo hanggang ikatlong antas ng pagkakamag-anak.
Batay sa kasunduan, maaaring makakuha ng 8 porsiyentong diskuwento sa mga regular na laboratory test para sa mga inpatient at outpatient, habang 5 porsiyentong diskuwento naman sa room accommodation ang maaaring ma-avail ng mga cardholder. Ang mga benepisyong ito ay maaaring makuha sa Tayug Family Hospital na matatagpuan sa Barangobong, Tayug, Pangasinan.
Ayon sa mga nakasaad na kondisyon, kinakailangang ipakita ng cardholder ang kanyang PAG-IBIG Loyalty Card/ Loyalty Card Plus
Ang MOA Signing ay pinangunahan ng mga opisyales ng PAG-IBIG Fund na sina Jacqueline O. Constantino – Vice President of Member Services Group,
Meriam N. Pamittan – Area Head, Ilocos Region & CAR, Lorenzo T. Ocampo – Branch Head, URDANETA at ang mag-asawa na sina Ptr. Dominador R. Ubaldo – Hospital Administrator at Dra. Joy M. Reotutar- Ubaldo ng Tayug Family Hospital, Tayug Pangasinan.