Dalawang solar power systems ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 sa Daking Farmers Irrigators Association at Lipay Este Farmers Association sa San Gabriel, La Union bilang suporta sa kanilang mga swine production facility.
Layunin ng nasabing interbensyon na magbigay ng alternatibong pinagkukunan ng kuryente para sa mga pasilidad ng mga samahan, na makatutulong upang mapanatili ang operasyon at mabawasan ang gastos sa produksyon.
Sa pamamagitan ng paggamit ng solar energy, inaasahang magiging mas episyente at mas matatag ang kanilang mga operasyon, habang pinapalakas ang kanilang kakayahang mapalago ang kabuhayan ng kanilang mga miyembro.
Patunay ang proyektong ito ng patuloy na pagsisikap ng DA na maghatid ng makabago at napapanatiling solusyon upang suportahan ang mga magsasaka at mapalakas ang sektor ng agrikultura sa rehiyon. | via Albert Caoile, RP Agoo
Courtesy: Department of Agriculture – Ilocos Region