Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-aanunsyo ng heat index forecast.
Nilalayon nito na mas bigyang-pansin ang pagbibigay ng mas napapanahong impormasyon kaugnay ng mga banta at epekto ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
Ayon sa ahensya, nagsimula ang temporary suspension kahapon, Hunyo 5, kasunod ng opisyal na deklarasyon ng pagpasok ng rainy season sa Pilipinas.
Gayunman, nilinaw ng PAGASA na mananatiling available sa kanilang opisyal na website ang datos kaugnay ng heat index.
Ipagpapatuloy naman ang araw-araw na monitoring at regular na paglalabas ng heat index forecast sa Marso 1, 2027. Para sa mga pinakahuling update sa lagay ng panahon, patuloy na pinapayuhan ang publiko na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng PAGASA.