Naramdaman sa Iligan City ang malakas na lindol ngayong Lunes ng umaga, June 8, bandang alas-7:37, matapos iulat ng PHIVOLCS na may magnitude 7.8 ang lindol na tumama sa bahagi ng Maasim, lalawigan ng Sarangani.Ayon naman sa Iligan City Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Office, naramdaman ang pagyanig sa ilang barangay sa lungsod sa ilalim ng Philippine Earthquake Intensity Scale (PEIS) intensity II hanggang III.
Samantala, inatasan na rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na agad kumilos matapos ang lindol.
Ipinag-utos din ng Pangulo ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga apektadong lugar sa Mindanao hanggang sa may bagong abiso, dahil prayoridad ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Kasunod nito, sinuspinde na rin ng Pamahalaang Panlungsod ng Iligan at ng Department of Education (DepEd) ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ngayong June 8 hanggang Martes, June 9.
