Anim na lugar sa Mindanao ang may naitala nang tsunami waves kasunod ng malakas na lindol na yumanig sa Sarangani, ayon yan sa PHIVOLCS.
Batay sa datos ng mga sea-level monitoring stations ng DOST-PHIVOLCS, naitala ang unang tsunami waves sa Maasim, Sarangani bandang alas-7:42 ng umaga, sinundan ng Kiamba, Sarangani alas-7:44 ng umaga, at Kalamansig, Sultan Kudarat alas-7:59 ng umaga.
Naitala rin ang pagdating ng tsunami waves sa Mati City, Davao Oriental alas-8:19 ng umaga, Zamboanga City alas-8:32 ng umaga, at Tandag City, Surigao del Sur alas-8:45 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, ongoing pa rin ang tsunami wave activity sa mga nabanggit na lugar.
Una na ring inirekomenda ng PHIVOLCS na agad na lumikas at magtungo sa matataas na lugar ang mga residente sa costal areas ng Sarangani, Davao Occidental, Tawi-tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat at South Cotabato
Bukod sa tsunami waves, tuloy tuloy rin ang aftershocks sa Mindanao kasunod ng Sarangani quake.