Walang malalaking pinsala na natala sa buong Davao City matapos ang pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol na naka-sentro sa General Santos City nitong Lunes ng umaga, June 8, 2026.
Sa inisyal na impormasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), mga tension cracks sa mga paaralan at tulay lang ang mga na-report na pinsala sa lungsod.
Ayon sa CDRRMO na agad silang magsasagawa ng berepikasyon para malaman kung ano kinakailangan na gawin dito. Magsasagawa naman agad ito ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis sa panahon na maberipika nila ang mga ito. Wala ring natalang sugatan sa nasabing pagyanig sa lungsod.