Naka-deploy na Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) unit ng 10th Infantry Division (10th ID) sa General Santos City matapos ang nangyaring mga pagguho bunsod ng magnitude 7.8 na lindol, Lunes ng umaga, June 8, 2026.
Sa isang pahayag, sinabi ni 10th ID Commander Maj. Gen. Alvin Luzon na agad silang naglagay ng mga tauhan matapos silang makatanggap ng report. Agad na pinappunta nito ang deployed disaster response teams from the 27th Infantry Battalion, 28th Infantry Battalion, Task Force GENSAN, 1002nd Infantry Brigade, at 10th Emergency Response Company upang tumulong sa search rescue operations.
Bukod dito, tutulong din ang nasabing grupo sa lokal na pamahalaan sa isasagawang damage assessment at clearing operations sa mga kalsada na na hindi madaanan matapos ang lindol.
Nakikipagtulungan naman ang kasundaluhan sa Office of Civil Defense, local government units, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, para sa kinakailangang tugon ng pamahalaan. | ulat ni Armando Fenequito | RP Davao 📸 10th Infantry Division


