Patuloy ngayon ang Pamahalaang Lungsod ng Bislig, Surigao del Sur, sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), sa masusing pagbabantay sa sitwasyon at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya para sa mga karagdagang abiso.
Ito ay matapos ang pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol kaninang umaga na ang sentro ay sa may bahagi ng Sarangani. Bagama’t hindi masyadong malakas ang naranasang pagyanig sa lungsod, inabisuhan pa rin ang mga residente na suriin ang kanilang mga tahanan, pinagtatrabahuhan, at paligid para sa mga posibleng pinsala.
Dapat ring maging handa sa mga posibleng pagyanig o aftershocks. Nag-abiso rin ito na iIhanda ang mga emergency kit at ang Go Bag.
Pinapayuhan din ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi kumpirmadong balita lalo na sa social media upang hindi magdulot ng takot o panic sa publiko.Hindi naman naglabas ng suspensyon sa klase at trabaho ang lokal na pamahalan kaugnay sa nasabing lindol.
📷 Bislig City LGU
