Nakatutok ang Manila Police District sa mga paaralan sa lungsod ng Maynila ngayong balik eskwela na.
Ayon kay MPD Spokesperson Police Major Philipp Ines bukod sa siguridad sa mga paaralan , binabantayan din nila ang mga naghahatid at sundo sa mga paaralan kung overloading at walang suot na helmet.
May batas kasi aniyang dapat sundin sa pagmamaneho lalo pat nangyayari ang aksidente ng hindi inaasahan.
Bagaman mahigpit na ipapatupad ang batas, magbibigay parin ng warning ang mga otoridad bilang konsiderasyon depende sa sitwasyon. | ulat ni DK Zarate