Bilang tugon sa malakas na lindol na yumanig sa Mindanao, nakahandang tumugon ang Police Regional Office 6 sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng pambansang pamahalaan para sa agarang pagtugon.
Ayon kay PRO-6 Director BGen. Randulf Tuaño, nakataas ang antas ng monitoring at operational readiness ng PRO6 upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan at patuloy na makasuporta sa mas malawak na disaster response efforts ng pamahalaan.
Aktibo rin ang koordinasyon ng PRO-6 sa iba’t ibang ahensya upang makatulong sa pagbibigay ng tamang impormasyon at kinakailangang suporta sa mga apektadong lugar.
Tiniyak ng PRO-6 na handa ang mga police units nito sa posibleng evacuation assistance, humanitarian assistance, at iba pang suporta sakaling kailanganin, alinsunod sa direktiba ng pambansang pamahalaan.
Patuloy na makikipag-ugnayan ang PRO6 sa mga kinauukulang ahensya upang suportahan ang mabilis, maayos, at epektibong pagtugon sa sitwasyon. | ulat ni Paul Tarrosa | Radyo Pilipinas Iloilo
📷 ORD-PRO6