Umabot na sa walo ang bilang ng mga napaulat na nasawi sa nangyaring magnitude 7.8 na lindol sa Region 12 o SOCCSKSARGEN.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Office of Civil Defense (OCD).
Ayon sa OCD, tatlo ang napaulat na nasawi sa Davao Occidental, tatlo sa General Santos, at dalawa sa South Cotabato.
Sinabi naman ni OCD Spokesperson Junie Castillo na ang mga kinatawan ng NDRRMC, OCD, Department of National Defense, Department of Social Welfare and Development, Department of Education, Department of Health, at iba pa ahensya ng pamahalaan ay papunta na sa Davao City at mga apektadong lugar.
Ayon kay Castillo, patuloy pa bineberipika ang mga bilang ng napaulat ng nasawi dahil ito ay mga inisyal na datos pa lamang.
Kabilang din aniya sa mga naapektuhang imprastraktura ang General Santos International Airport.
Samantala as of 10 AM umabot na sa mahigit 100 aftershocks ang naitala kaya patuloyna pinag-iingat at maging alerto ang mga residente sa apektadong lugar sa Mindanao. | ulat ni Diane Lear