Naniniwala ang Malacañang na mayroong elemento ng ‘usurpation of authority’ ang naganap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong nakaraang linggo sa pangunguna nina Senator Cayetano at Senator Marcoleta.
Kung matatandaan , mayroong grupo ng mga abogado ang nagpa-plano na magsampa ng reklamong ‘usurpation of authority’ laban sa ilang senador, dahil sa anila’y pambabastos sa batas at sa sistema, ng ginanap na anila’y fake Blue Ribbon Commitee hearing.Ayon
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, malinaw na mayroong pagpapanggap o false pretention ang mga senador na nagdaos ng pagdinig, na mayroon silang kapangyarihan, na wala naman talaga.
“Kung pag-uusapan po natin ay batas, may mga elemento po ang ‘usurpation of authority’. Unang-una po ay iyon ‘yung pagpapanggap o may false pretention na sila ay may kapangyarihan pero wala; lack of authority, walang kapangyarihan pero gumaganap sa isang kapangyarihan na naaakop lamang or naaangkop lamang sa isang tunay na may awtoridad.” — Castro.
Ayon kay Castro, idinaos pa rin nila ang pagdinig, kahit wala naman silang authority, hindi sila kinikilala ng Ehekutibo, at hindi rin sila kinikilala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Bukod dito, maraming mga legal luminaries at legal experts, at maging mga dating Senate President ang nagsabi na legal ang naganap na Senate quorum noong June 3.
“Ang ginawa nila na paghi-hearing doon at hindi na sila halos kinikilala – hindi sila kinikilala ng HOR, hindi sila kinikilala ng Ehekutibo – marami na pong mga legal luminaries, legal experts at mga dating senate presidents na nagsasabing legal ang nangyaring sesyon sa June 3.” — Castro.
Dahil dito, ang pagsasagawa aniyang muli ng aksyon ng mga senador na wala namang kapangyarihan ay maituturing na usurpation of authority.