Handang sumaklolo ang mga Hukbong Sandatahan ng mga bansang Amerika, Japan, Indonesia at iba pa sa Pilipinas kasunod ng pagtama ng Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, kahapon.
Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. makaraang makatanggap siya ng tawag mula sa mga ito at nag-alok ng tulong.
Bagay na isinasailalim na sa evaluation ng AFP katuwang ang Office of Civil Defense (OCD) para sa pagtukoy ng pinakamainam na suporta.
Sinabi ng AFP Chief, na patunay lamang ito na hindi lamang sa giyera o gulo maaaring pakinabangan ang pakikipag-alyansa.
Nagagamit na aniya ang EDCA sites sa Mindanao gaya ng Lumbia Airport sa Cagayan de Oro para sa pagrespunde sa paherong kalamidad.
Samantala, ini-ulat ni Brawner na walang military installation sa Mindanao ang nadamay sa malakas na lindol at agad silang nakapag- deploy ng mga Sundalo roon para sumuporta sa Search, Rescue and Retrieval Operations.