Patuloy ang restoration efforts ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga natitirang apektadong transmission line sa Southwestern Mindanao kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig dito nitong Lunes, June 8, 2026.
Ayon Kay Milfrance Capulong Government Relations and Regional Affairs Officer ng NGCP-SM , bahagyang naibalik ang serbisyo ng transmission ng kuryente sa General Santos City alas-5:41 ng hapon, nitong June 8.
Sinabi ni Capulong, unti-unti na ring naibalik ang serbisyo ng kuryente sa South Cotabato at Sarangani.
Sa naunang abiso ng NGCP, ganap nang naibalik ang serbisyo sa iba pang mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Maglalabas naman ang NGCP ng karagdagang update sa oras na may mas marami pang impormasyong makakalap hinggil sa patuloy na restoration efforts. | ulat ni Dang Sabdani-Jumala | Raydo Pilipinas Davao