Pumalo na sa 37 ang bilang ng mga nasawi dulot ng pagtama ng Magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani kahapon.
Batay sa 6AM update ng Office of Civil Defense, umakyat na sa 33 ang bilang ng nasawi sa SOCCSKSARGEN habang nananatili naman sa apat ang napaulat na nasawi sa Davao region.
Mula sa nasabing bilang, 18 dito ay mula sa Sarangani, 12 sa General Santos City habang tatlo ang mula sa South Cotabato.
Gayunman, nilinaw ni OCD Deputy Spokesperson Diego Agustin Mariano na ‘for validation’ pa ang nasabing bilang mula sa Management of the Dead and Missing ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Patuloy ang pagtanggap ng ulat ng OCD mula sa kanilang Local counterparts hinggil sa pinsala ng lindol.