Inihayag ng Malacañang na may ginagawa nang hakbang upang magawan ng kaparaanang hindi naman maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante na nasa lugar na tinamaan ng lindol sa Mindanao.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, may gagawin nang hakbang partikular ang Department of Education (DepEd) ukol dito.
Sinabi ni Castro na makikipag-ugnayan ang DepEd sa mga lokal na pamahalaan para sa maayos na pagpapatupad ng klase sa Mindanao.
Matatandaang agad na iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suspensiyon sa lahat ng antas ng klase sa mga apektadong lugar sa Mindanao.
Isa ang Matanao National High School sa Davao sa mga naiulat na matinding tinamaan ng lindol. Wala namang naiulat na nasaktan na estudyante sa nasabing paaralaan habang nagpapatuloy ang assesment sa laki ng pinsala dito. | ulat ni Alvin Baltazar