Nananatiling prayoridad ng pamahalan ang pagpapalakas sa sektor ng paggawa upang tugunan ang nagpapatuloy na mga hamong kinahaharap ng bansa.
Ito ang tinuran ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) kasunod na rin ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang unemployment rate sa 4.7 percent nitong Mayo kumpara sa 4.1 percent noong Abril.
Ayon kay Economic Planning Sec. Arsenio Balisacan, sa kabila nito, nananatiling mataas ang employment rate sa 62.3% o nasa 48.89 milyong Pilipino nitong Abril 2026 kumpara sa 48.67 milyon, na naitala sa parehong panahon noong isang taon.
Kasunod niyan, sinabi ni Balisacan na patuloy nilang tinututukan ang epekto sa kabuhayan ng iba’t ibang hamong kinahaharap ng bansa, partikular na ang sigalot sa Gulf region, ang pagtama ng Super El Niño, at ang huli ay ang Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Dahil dito, patuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport o (UPLIFT) framework.
Habang ang muli namang bubuhayin ang inter-agency El Niño Task Force para tiyakin ang trabaho at pang kabuhayan ng mga Pilipino partikular na sa mga nasa sektor ng Agrikultura.