Courtesy of DSWD Caraga
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na palakasin ang mabilis at maagap na pagtugon ng pamahalaan sa panahon ng sakuna, mas lalo pang pinaigting ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga (DSWD Caraga) ang patuloy nitong pagtugon sa mga pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Region XII.
Sa pamumuno ni Regional Director Mari-Flor Dollaga, siniguro ang maagap, maayos, at epektibong paghahatid ng tulong.
Mula sa Mindanao Disaster Resource Center (MDRC) at DSWD Field Office Caraga, inihatid sa Region 12 ang 20,000 Family Food Packs (FFPs), 380 Water Filtration Kits, 289 Family Clothing Kits, 450 Sleeping Kits, at 87 Family Tents.
Ito ay karagdagang humanitarian supplies upang mapalakas ang relief operations sa apektadong lugar. | ulat ni Jocelyn Morano | RP Butuan
