Umabot sa 5000 na mga displaced workers ang unang nakatanggap ng tulong pinansiyal at Family Food Packs (FPP)sa ialalim ng Assistance to Individual in Crisis Situation o AICS.
Ayon kay Department of Social Worker and Development o DSWD XII Regional Director Loreto Cabaya, Jr. inuna nila sa pagbibigay ng ayuda ang mga displaced workers mula sa mga nasirang gusali ng mga malls, fastfood chain at mga pribadong kumpanya.
Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng tig 5K pesos bilang paunang ayuda at inaasahang makakatanggap din ang mga ito ng pinansiyal na tulong mula sa lokal na pamahalaan ng General Santos City.
Inihayag ni Cabaya na nasa P25M ang halagang pondo na inilaan para sa cash distribution sa araw na ito para sa mga displaced.workers samantalang magpapatuloy bukas ang pamamahagi ng karagdagang P25M na halagan ng cash assistance para sa naapektuhan ng lindol. | ulat ni Macel Dasalla | RP Davao