Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) Central Office na bumuo ng isang task force upang magsagawa ng masusi, komprehensibo, at patas na imbestigasyon kaugnay sa pagkalunod ng mga manlalaro ng Ateneo men’s basketball team na sina Rene Baterbonia at Divind Adili sa Dipaculao, Aurora.
Sasailalim sa imbestigasyon ng NBI ang mga pangyayari sa insidente upang matukoy kung may sapat na basehan para magrekomenda ng pagsasampa ng kaso sa DOJ.
Tiniyak ng DOJ na kanilang sisikaping mabuo ang lahat ng katotohanan sa insidente at matiyak na maibigay ang hustisya.