Nasa 1, 933 na job vacancies ang bukas para sa mga interesadong aplikante sa Bicol Region para sa gaganaping job fair bukas sa SM Malls Legazpi, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, June 12, 2026 kasabay ng paggunita ng ika-128 taong anibersaryo ng Independence Day.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Albay kay DOLE Bicol Regional Director Nepomuceno Leaño II, CPA, isang overseas employer at 27 local employers ang makikilahok sa naturang job fair.
Dagdag pa niya, dadalo din ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mag-alok ng serbisyo sa mga aplikante.
Hinikayat ni Leaño ang publiko na samantalahin ang naturang Job Fair para sa oportunidad na makakuha ng trabaho.